Payo ni Lolit Solis sa loyal KathNiel fans: Huwag nang maging violent
NAG-SHARE ng advice ang talent manager na si Nanay Lolit Solis sa mga fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Feeling kasi ni Nanay Lolit, hirap na hirap mag-move on ang mga KathNiel supporters dahil hanggang ngayon ay may mga nagbabardagulan pa rin sa social media dahil sa kontrobersyal na breakup ng dating magdyowa.
Ayon sa dating online host, sana’y sumabay din ang mga fans sa pagmu-move on nina DJ at Kath para matahimik at maging kalmado na ang lahat.
Baka Bet Mo: Daniel desperado na, nagpatulong sa mga kaibigan para balikan ni Kathryn?
“Ewan ko ba Salve kung bakit parang ang hirap tanggapin ng followers nila na pywede ng magkanya kanyang lakad sila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla,” ang panimulang mensahe ni Nanay Lolit sa kanyang Instagram post.
Pagpapatuloy niya, “Puwede na noon so much in love sila, but puwede naman mag-fall out of love ka rin ‘di ba?
View this post on Instagram
“Puwede that time ang mundo nila para sa kanilang dalawa lang, pero now nakita nila na puwede pala makakita din ng iba,” chika pa ng talent manager.
Baka Bet Mo: Daniel kay Kathryn: Hindi mawawala sa puso ko lahat ng pinagsamahan natin
Ang punto pa ni Nanay Lolit, mga bata pa sina Kathryn at Daniel kaya mag-enjoy na lang daw muna ang mga ito at mas bigyan ng focus ang kanilang showbiz career.
“Mas mabuti pa na enjoy your youth and all the perks bago maging seryoso. Ang lawak pa ng mundo at marami pa silang madi discover na mga bagay.
“Parehong mukha naman matibay sa pagsubok ang dalawa kaya nilang ma-survive ang heartache ng break up nila,” ang sey pa niya.
Sa huli, nagbigay nga ng payo si Nanay Lolit sa mga loyal at diehard fans nina Daniel at Kathryn, “Kaya huwag maging violent ang mga followers nila. Let them grow more mature, para mas matibay ang outlook nila sa love.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.