Daniel kay Kath: Di mawawala sa puso ko ang pinagsamahan natin

Daniel kay Kathryn: Hindi mawawala sa puso ko lahat ng pinagsamahan natin

Ervin Santiago - February 12, 2024 - 05:39 PM

Daniel kay Kathryn: Hindi mawawala sa puso ko lahat ng pinagsamahan natin

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

WAGAS na pasasalamat ang ipinaabot ni Daniel Padilla para sa dati niyang girlfriend na si Kathryn Bernardo.

Hindi nakalimutang banggitin ni DJ ang pangalan ng kanyang ex-dyowa sa mga taong pinasalamatan niya matapos ang muli niyang pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN.

Naganap ang contract signing ni Daniel ngayong araw, February 12, na dinaluhan ng mga bossing ng ABS-CBN. Mahigit 15 years nang Kapamilya ang binata at mananatili raw siyang loyal sa kanyang mother network.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Star Magic (@starmagicphils)


Present sa contract signing sina ABS-CBN president and CEO Carlo Katigbak, chairman Mark Lopez, COO for Broadcast Cory Vidanes, CFO Rick Tan, and Star Magic head Laurenti Dyogi. Nandu’n din ang manager ni DJ na si Luz Bagalacsa at ang nanay niyang si Karla Estrada.

Baka Bet Mo: Daniel ka-partner sana ni Kathryn sa kasal ni Robi pero hindi natuloy

“Unang-una gusto ko pong magpasalamat sa aking mga bosses sa tiwala po na ibinibigay niyo. At hindi lang po tiwala para sa trabaho, kung hindi sa totoong pagmamahal na ibinibigay niyo. Maraming, maraming salamat,” mensahe ni DJ.

Kasunod nito, pinasalamatan din niya si Kath, “Hinding-hindi ko makakalimutan si Kathryn. Maraming salamat sa maraming taon na pinagsamahan. Hinding hindi mawawala sa puso ko ang memories at ating adventures at journeys na pinagsamahan. Thank you very much.”

Ito naman ang message niya sa kanyang mga tagasuporta, “I am just very truly grateful sa tiwala at pagmamahal. Sa mga fans wala na akong hihilingin pa just thankful to you.

“I get random messages kasama ang positive, negative messages magkakasama ‘yan and I truly appreciate that it makes me human. So thank you very much.

“‘Yung mga mensahe niyo ay masakit man – totoo. At ‘yung iba nagbibigay ng positive messages, ang sarap sa puso kung alam niyo lang. Ang dami ko ring natutunan sa inyo.

“I thought ‘yung experiences ko sa buhay ay marami na pero talagang hindi natatapos ang learning. Experiences in life it brings you down, it brings you back up, ganun talaga ang buhay.

Baka Bet Mo: Daniel desperado na, nagpatulong sa mga kaibigan para balikan ni Kathryn?

“Kailangan natin tanggapin na may mga pangyayari na hindi man sang-ayon sa atin, o hindi man natin gusto pero it was bound to happen, ganu’n talaga. I think planado ng Diyos ang lahat ng bagay hindi ba at sa kanya ko na lang ibinibigay lahat,” aniya pa.

Nagbigay naman ng mensahe kay DJ si ABS-CBN president and CEO Carlo Katigbak, “When we lost our franchise, may tinext ka sa akin, ‘Salamat po sa inyong pakikipaglaban. Nagawa niyo na po ang lahat. Ngayon ang Diyos na po ang bahala.’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“So Deej, ibabalik ko sa iyo ang message mo sa akin. Masipag kang tao, isang artistang magaling at isang anak na nagmamahal sa kanyang pamilya. Gawin mo ang lahat to be best version of you and then Diyos na ang bahala.

“I’m sure you will achieve bigger and better successes and you will become what God has destined you to be. Maraming salamat sa pagmamahal mo sa amin sa pamilya mo rito sa ABS-CBN.

“We are grateful that you continue to be our Kapamilya and I want you to know that ABS-CBN will also be here for you always, no matter what,” aniya pa.

Samantala, sa tanong kung ano ba ang mga sikreto sa kanyang tagumpay, sagot ni Daniel, “Well isa lang naman, being true to yourself. ‘Yun lang naman ang ino-offer ko simula nang magsimula ako sa industriya na ito, just me being myself na ipinapakita ko sa tao, hinding-hindi nagbago ‘yun.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“At siyempre sa trabaho, dedication, ‘yung dedication mo rin sa mga mga tao na manonood noon. Pagdating sa musika ‘yun mga makikinig sa music na ‘yun,” sabi pa ni Daniel Padilla.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending