Daniel Padilla solid Kapamilya, muling pipirma sa Star Magic
TALIWAS sa mga kumakalat na balita, mananatiling Kapamilya ang kontrobersyal na aktor ngayon na si Daniel Padilla.
Ito ay mismong nilinaw ng ABS-CBN entertainment reporter na si MJ Felipe.
Aniya, muling pipirma ng kontrata si Daniel sa ilalim ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.
Ibinahagi pa nga ito ng Kapamilya reporter sa kanyang Facebook post.
“THIS JUST IN: According to Star Magic, Daniel Padilla is scheduled to sign his network contract renewal next month with ABS-CBN & will still remain with Star Magic,” saad ni MJ.
Ito ay para pabulaanan na rin ang mga chikang kumakalat na aalis na sa poder ng Kapamilya network at hindi na magre-renew ng kontrata ang binata.
Baka Bet Mo: Kathryn imbitado sa kasal nina Dominic at Bea, Daniel etsapwera
“This is contrary to rumors circulating that the actor is allegedly leaving Star Magic, is looking for a new talent agency and Star Magic is allegedly not renewing him as their talent,” sey ni MJ.
“Star Magic says Daniel will remain with the talent management agency.”
View this post on Instagram
Sa kabila naman ng kumpirmasyon ni MJ ukol sa pananatili ni Daniel sa Kapamilya network, wala naman itong update kung totoo nga ba ang kumakalat na balitang aalis na si Kathryn Bernardo sa Star Magic.
May mga chika kasing may balak ang dalaga na lumipay sa Crown Artists Management na pinamamahalaan ng mag-asawang sina Maja Salvador at Rambo Nuñez.
Ngunit last December 2023 lang nang idenay ng kanyang ina na si Mommy Min ang chikang lalayasan nito ang Kapamilya network kahit na hiwalay na sila ni Daniel.
“No. Hindi siya aalis ng Kapamilya network!” sey ni Mommy Min.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.