Kathryn, Daniel imposible nang magkabalikan

Kathryn, Daniel imposible nang magbalikan, nagkakasolian na ng ari-arian?

Ervin Santiago |January 21,2024
facebook
share this

Kathryn, Daniel imposible nang magbalikan, nagkakasolian na ng ari-arian?

Ervin Santiago - January 21, 2024 - 12:16 PM

Kathryn, Daniel imposible nang magbalikan, nagkakasolian na ng ari-arian?

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

NAGKAKASOLIAN at nagkakabayaran na umano ng mga shares ang dating celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Isa raw ito sa mga senyales na imposible na talagang magkabalikan ang dating magdyowa kahit pa gustung-gusto pa rin daw ni Daniel na mabigyan sila ng second chance.

Ang latest chika, ibinabalik na raw ni Daniel ang mga bagay na dapat mapunta kay Kathryn, kabilang na rito ang mga shares ng aktres sa mga negosyong pinagsosyohan nila.

Sa talakayan nina Nanay Cristy Fermin sa latest episode ng “Showbiz Now Na” nitong nagdaang Biyernes, January 19, sumentro ang kanilang usapan sa pagbebenta ni Daniel ng bahay at sasakayan.

Naniniwala ang veteran showbiz columnist at radio-TV host na mukhang  hindi na nga magkakabalikan pa sina DJ at Kath.

Baka Bet Mo: Kiray, Stephan sumugod sa Traslacion: Walang imposible! Viva, Nazareno!

“Ngayon, nagbebenta si Daniel ng mga propiedad. Ibibigay kay Kathryn kung totoong share sila at mayroong pagkakautang, ibabalik niya ‘yun. ‘Yung mga ipinuhunan nila ni Kathryn,” pahayag ni Nanay Cristy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“So, wala na talagang pag-asa. Nagkakabalikan na ng mga naipuhunan,” dagdag pa niya.

Para naman sa co-host niyang si Romel Chika “Malala na talaga ‘to. Kasi ang dami nang babaeng lumalabas ang pangalan hindi pa tapos.

Baka Bet Mo: Pag-ibig sa gitna ng pandemic: Celebrity weddings na pinag-usapan ng madlang pipol

“Naku, nagsalita na nga ‘yong Vietnamese,” ang komento uli ni Nanay Cristy.

Ang tinutukoy niyang Vietnamese ay si Minh Phuo na nag-post ng mahabang litanya sa Instagram para pabulaanan ang chika na may relasyon sila ni Daniel at siya ang may kasalanan kaya naghiwalay ang KathNiel.

Matapos kumalat ang balita na naibenta na ang luxury car ni Daniel sa halagang P6.5 million ay sinundan naman ito ng chika na for sale na rin ang bahay ng aktor na may presyong P50 million.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatagpuan ang naturang house and lot sa Quezon City at nakatala ang pagbebenta nito sa real estate account na Best Deal Property PH noon pang December 5, 2023.
Nakasaad sa post na two-story ang bahay na may lot area na 500 sqm. Mayroon itong anim na kuwarto, at anim na banyo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending