Kathryn naniniwala sa second chance; payag balikan si Daniel?

Kathryn naniniwala sa second chance; payag bang makipagbalikan kay Daniel?

Ervin Santiago |January 18,2024
facebook
share this

Kathryn naniniwala sa second chance; payag bang makipagbalikan kay Daniel?

Ervin Santiago - January 18, 2024 - 12:35 PM

Kathryn naniniwala sa second chance; payag bang makipagbalikan kay Daniel?

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

PARA sa mga loyal fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, posible pa ring magkabalikan ang ex-couple kung sila talaga ang itinadhana.

Naniniwala ang ilang KathNiel fans na walang imposible sa mundo lalo pa’t 11 years ding tumagal ang relasyon ng nagkahiwalay na magdyowa.

In fairness, kapit na kapit pa rin ang mga die hard fans nina DJ at Kath sa posibilidad ng kanilang pagbabalikan dahil feeling nila love na love pa rin nila ang isa’t isa kahit naghiwalay na.

At mas lalo pang nabuhayan ng loob ang mga tagasuporta nina Kathryn at Daniel nang kumalat sa social media ang throwback interview ng Box-office Queen tungkol sa “second chances” ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Baka Bet Mo: Andrea Brillantes pinatunayang loyal pa rin sa ABS-CBN: ‘Kumbaga, kasal na ako sa kanila kaya bakit ko sila hihiwalayan!?’

Sa naturang panayam ni Amy Perez kay Kathryn para sa promo ng “Hello, Love, Goodbye” noong 2019 kasama ang leading man nito sa pelikula na si Alden Richards, sinabi nitong willing siyang magbigay ng second chance sa taong nagkasala sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sumabak sina Kath at Alden sa “Hello, Love, Goodbye Challenge” kung saan natanong nga ang tungkol sa pagbibigay ng ikalawang pagkakataon.

Baka Bet Mo: Daniel, Kathryn nagpa-thanksgiving sa KathNiel fans: Hindi enough ang pasasalamat na ito sa grabe n’yong pagmamahal

“Hello ako sa one more chance, because I believe in second chances. Hanggang second, willing akong magbigay ng second chance,” ang tugon ni Kathryn.

“And goodbye sa new beginnings, parang bigyan ko muna ng second chance, kapag ‘di nag-work, then saka ako mag-move-on,” esplika ni Kath.

“Mag-o-open ng door sa new beginnings, gusto ko rin niyan,” ang reaksyon naman ni Tyang Amy.

“Yeah,” ang pagsang-ayon ni Kathryn sabay saying, “Para lang walang regrets.”

Ngunit sa isang Instagram post nga ni Kathryn, mukhang hindi niya mapaninindigan ang sinabi niya sa naturang interview dahil pagkatapos nga nilang kumpirmahin ni Daniel ang kanilang breakup ay may cryptic post siya about hiwalayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey ng dalaga, “No looking back, just moving forward.” Yun na!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending