Andrea Brillantes pinatunayang loyal pa rin sa ABS-CBN: ‘Kumbaga, kasal na ako sa kanila kaya bakit ko sila hihiwalayan!?’
PINATUNAYAN muli ni Andrea Brillantes na super loyal pa rin siya sa ABS-CBN matapos pumirma ng panibagong kontrata sa Kapamilya Network.
Sa ginanap na “Keep Shining: The Andrea Brillantes Network Contract Signing” event, abot-langit ang pasasalamat ng dalaga sa patuloy na pagmamahal at tiwala na ibinibigay sa kanya ng kanyang mother network.
“Nagsimula ako dito sa ABS-CBN I was seven po at naging pamilya ko na po kayo at inaalagaan niyo na ko sa kabataan ko pa lang.
View this post on Instagram
“Ang saya lang sa pakiramdam na ngayon nag-eenter na ko sa adulthood at kayo pa rin po ang kasama ko,” sabi ni Andrea na nagsimulang maging Kapamilya taong 2010.
Inilarawan niya ang kanyang naging journey bilang isang “pribilehiyo, tahanan, at masaya.”
“It’s a privilege for me na maging Kapamilya artist. Pangalawa, home kasi lahat po sila parang talaga tatay at nanay, parang pamilya magmahal, mag-alaga, at tingnan ka bilang tao. Pangatlo, masaya maging Kapamilya kasi buo kaming pamilya,” sey pa ng dalaga.
Baka Bet Mo: Ruru kinalimutan na ang pagiging babaero mula nang maging dyowa si Bianca; blessing kung ituring si Rhea Tan
Dumalo sa contract signing ni Andrea sina ABS-CBN Chairman Mark Lopez, ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak, ABS-CBN COO for broadcast Cory Vidanes, ABS-CBN head of TV production at Star Magic head Laurenti Dyogi, at Star Magic handler na si Gidget dela Cuesta.
Dagdag ng young actress, hindi siya nakakita ng rason para umalis sa ABS-CBN lalo na at maraming proyekto pa ang paparating sa kanya.
“Nandito rin lahat ng kaibigan at pamilya ko at talagang lumaki na ako rito. Kumbaga kasal na ako sa kanila kaya bakit ko sila hihiwalayan at excited po ako sa ibinibigay nilang projects sa akin,” kwento niya.
View this post on Instagram
Nagsimula si Andrea bilang child star sa gag show na “Goin’ Bulilit” hanggang sa nakilala siya sa kanyang pagbida sa iba’t ibang teleserye tulad ng “Annaliza,” “Hawak Kamay,” “Huwag Kang Mangamba,” at “Kadenang Ginto.”
Kamakailan ay binigyang buhay naman ng Star Magic artist ang karakter ng isang drag queen sa iWantTFC original series na “Drag You and Me” na nagtapos nitong nakaraang linggo.
Nakatakda rin siyang gumanap ng bagong papel sa upcoming series na “Senior High.”
Naging kontrobersyal naman ang aktres matapos silang maghiwalay ng ex-dyowa niyang basketball player at aktor na si Ricci Rivero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.