Andrea Brillantes relate much sa mga kanta ni Sabrina Carpenter: A lot of people who have also betrayed me | Bandera

Andrea Brillantes relate much sa mga kanta ni Sabrina Carpenter: A lot of people who have also betrayed me

Therese Arceo |July 27,2023
facebook
share this

Andrea Brillantes relate much sa mga kanta ni Sabrina Carpenter: A lot of people who have also betrayed me

Therese Arceo - July 27, 2023 - 07:44 AM

Andrea Brillantes relate much sa mga kanta ni Sabrina Carpenter: A lot of people who have also betrayed me

HANGGANG ngayon ay shookt pa rin ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes matapos niyang makausap nang personal ang American singer-songwriter na si Sabrina Carpenter.

Dumalo kasi ang dalaga sa nagdaang Manila concert ni Sabrina nitong Martes, July 25 at isa ang dalaga sa mga mapalad na magkaroon ng encounter sa international singer.

Ani Andrea, nakaka-relate siya sa mga awitin ni Sabrina dahil naranasan na niya ang ma-“betray” ng mga tao sa paligid niya at sumira ng kanyang reputasyon.

Makikita ang ilang mga video clips ng encounter ng Kapamilya actress at American singer-songwriter sa Instagram page ng New Frintier Theater.

“Actually, I think they know [why I’m mad],” panimula ni Andrea na siyang nagpasigas sa crowd.

Pagpapatuloy niya, “Because there’s a lot of people who have also betrayed me, and have also kind of ruined my reputation in a way.”

Chika pa ni Andrea, kahit na hindi totoo ang mga pahayag ng mga ito laban sa kanya ay nanatili siyang tahimik ukol rito.

“Even though they’re not true and I’m also just a victim, [I] never told them anything,” lahad ng dalaga.

Baka Bet Mo: Andrea aminadong ‘baklang’ magmahal, milyones ang nairegalo kay Ricci…pati mga gamit sa condo sa kanya nanggaling

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Inamin rin ni Andrea kung bakit gustong gusto niya ang mga kanta ni Sabrina.

“But with your songs, it’s like you are the one who’s speaking to them for me. That’s why I love your songs so much,” pagtatapat niya.

Hindi naman mapigilan ni Blythe ang i-share kanyang naging experience matapos niyang makausap at makaharap si Sabrina.

“Thank you sa napaka-warm na crowd kanina! Very supportive also,” sey ni Andrea.

Chika pa niya, nakaramdam daw siya ng takot nang tawagin ni Sabrina.

“Grabe, I was literally so scared when she called me kasi ayaw ko na magalit mga tao sa akin, but this was a different experience.Thank you sa mga nando’n,” spluk ni Andrea.

Samantala, pinili naman ng Kapamilya star na huwag nang palawagin pa ang kanyang mga naging pahayag sa concert.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang naging laman ng mga balita si Andrea matapos ang pakikipaghiwalay nito sa basketbolistang si Ricci Rivero.

Related Chika:
Cristy Fermin binoldyak si Ricci Rivero: ‘Ano’ng gusto mong palabasin, na si Andrea Brillantes ay isang just-just?’

Rendon Labador binanatan ng fans ni Andrea Brillantes: ‘Hindi ka naman motivational speaker, pakialamero ka lang talaga’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending