Andrea Brillantes, Adie spotted na magkasamang nagsasaya sa Bruno Mars concert, hirit ng netizens: 'Kayo na lang, please' | Bandera

Andrea Brillantes, Adie spotted na magkasamang nagsasaya sa Bruno Mars concert, hirit ng netizens: ‘Kayo na lang, please’

Therese Arceo |June 28,2023
facebook
share this

Andrea Brillantes, Adie spotted na magkasamang nagsasaya sa Bruno Mars concert, hirit ng netizens: ‘Kayo na lang, please’

Therese Arceo - June 28, 2023 - 08:25 PM

Andrea Brillantes, Adie spotted na magkasamang nagsasaya sa Bruno Mars concert, hirit ng netizens: 'Kayo na lang, please'
PINAGTATAMBAL ngayon ng mga madlang netizens ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes at singer-composer na si Adie Garcia.

Spotted kasi na magkasama ang dalawa at ang iba pa nilang mga kaibigan sa naging concert ni Bruno Mars kamakailan.

Nagbahagi rin ang dalaga ng video sa kanyang social media pages na kuha habang nag-e-enjoy sila sa concert at makikita present si Adie sa naturang video.

“one of the best concerts ever, everyone deserves to go to a Bruno Mars concert even just once!( Miss na din kita mahal hihi ) @brunomars,” saad ni Andrea sa caption.

Marami naman sa mga netizens ang tila kinilig nang makita ang dalawa together at naramdamang may chemistry ang dalawa st bagay rin daw itong maging mag-dyowa.

“love ko si adie pero mas love ko ang makita kayong dalawa magkasama. g-give up ko na si adie basta sayo [Andrea],” saad ng isang netizen.

Sey naman ng isa, “Cute niyo ni Adie. Kayo na lang please.”

Baka Bet Mo: Rebelasyon ni Ricci Rivero sa chikang nag-live in sila ni Andrea Brillantes: ‘There are times that we do sleep together’

“Mas mabuti pang si Adie na lang yung jinowa mo eh,” hirit naman ng isa.

Dagdag naman ng isa, “Baka kayo talaga ni Adie para sa isa’t isa Andrea.”

Kamakailan lang nang kumpirmahin ng “Drag You and Me” star na hiwalay na sila ng basketbolistang si Ricci Rivero.

Bagamat break na ay aminado si Andrea na masakit pa rin para sa kanya ang mga nangyari.

Kaya naman super happy ang kanyang mga tagasuporta na makitang nag-e-enjoy at masaya ang dalaga sa mga ganap nito laltely dahil deserve nitong maging tunay na masaya.

Samantala, nagkasama na noon sina Andrea at Adie para sa music video ng huli ng kantang “Tahanan” na inilabas noong April 2022.

Related Chika:
Andrea Brillantes in-unfollow na sa Instagram si Ricci Rivero

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rendon Labador binanatan ng fans ni Andrea Brillantes: ‘Hindi ka naman motivational speaker, pakialamero ka lang talaga’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending