Patama ni Rendon Labador kay Andrea Brillantes at sa iba pang nilayasan ng dyowa: ‘Maraming pera pero isip bata, iiwanan talaga namin kayo’
AYAW pa ring tantanan ng kontrobersyal na motivational speaker na si Rendon Labador ang Kapamilya actress at social media influencer na si Andrea Brillantes.
Pati kasi ang paglalaro nito ng in na in ngayong “lato lato” ay pinakialaman na rin ni Rendon at tinawag pang isip-bata ang ex-dyowa ng basketball player na si Ricci Rivero.
Trending at viral na ngayon ang video ni Andrea kung saan sumabak nga ito sa “lato lato” challenge, ang sikat na laro ngayon ng mga kabataan pati na rin ng mga matatanda.
Aliw na aliw ang mga netizens nang mapanood ang video ni Andrea na nakukuha pa raw magpasabog ng good vibes sa social media kahit na sugatan ang puso matapos silang maghiwalay ni Ricci.
View this post on Instagram
Pero hindi nga ito nagustuhan ni Rendon at talagang binasag-basag ang trip ni Andrea pati na rin ng mga taong tuwang-tuwa sa kanya.
Sa kanyang Facebook account, muling tinalakan ng social media personality at negosyante ang Kapamilya actress pati na rin ang iba pang mga kabataan at nagmistulang tatay nga na pinangangaralan ang kanyang anak.
“MARAMING PERA PERO ISIP BATA, iiwanan talaga namin kayo #CareerMunaBagoLandi,” simulang pahayag ni Rendon.
Baka Bet Mo: Rendon Labador binanatan si Coco Martin: ‘Hindi ka ba talaga nakakaintindi?’
“Para sa lahat ng taong iniwan ng Jowa. Oras na para ayusin ang mga sarili ninyo. Hindi namin kaylangan ng babaeng MARAMING PERA.
“Mas appealing ang babaeng matured mag isip at may priority sa buhay. Wake up call sa lahat ng kabataan ito na puro paganda lang ang alam pero wala naman laman ang utak.
“In short, TURN OFF ang babaeng IMMATURE #PrayForAndrea #MoveOn #StayMotivated,” aniya pa.
Sa ni-repost niyang litrato ni Andrea mababasa naman ang mga katagang, “Yung nga taong nagpapakita ng masaya sila…minsan sila pa yung sobrang nasasaktan.” Dito, parang nakikisimpatya naman siya sa pinagdaraanan ni Andrea.
View this post on Instagram
Narito ang ilan sa mga nabasa naming post sa FB page ng motivational speaker.
“Rendon Labador ano naman po tawag sa feeling mature mag isip tapos bida bida na puro pride lang naman po ang nagdadala sa pagkatao nya, magagalitin din pala sya sa mga video nya pero laging motivated.”
“Si andrea inuna niya family niya at career niya since bata pa nagwowork na kun sakali man nainlove siya at nagkajowa atleast hindi naman nasira career niya kasi until now siya pa rin ang isa mga endorser ng brilliant at kasalukuyang may teleserye siya napagsabay niya ang work at lovelife na hindi niya napabayaan ang career niya.”
“Ok lang maging isip bata mahalaga kaya nyang buhayin ang pamilya nya sa paraang mabuti..Hindi katulad ng iba dyan ang galing manira at manggamit ng sikat na pangalan para mapag usapan…Maskuladong pakialamero.”
‘Rendon Labador natikman ko yong motivated rice mo ang pakla nang lasa.”
“Lord, please make this world a better place. At ilayo niyo po kami sa mga tolongges. Amen.”
“Isip bata din yung nagpost. maging trending lang.”
“HAHAHAHA parang ikaw yung immature rendon.”
“Bos mas mayaman pa raw xa sayo kaya hindi xa motivated sa rice mo.”
“Baka mamaya malamanlaman namin kau na palang dalawa ah hahaha.”
“Walang basagan ng trip! Yun pag kukunwari isip bata nya yun ang nagpapadatinh ng pera o blessings. Hindi yun lagi galit para kaaway ang lahat!”
“Yung bukambibig mo lagi motivation, sna nag stick k nlng sa pag motivate based on your experience hindi yung imomotivate mo followers mo sa bagay na makakaapak ka nmn ng ibang tao. let andrea realize that situation to motivate her in the future and don’t compare your experience with her.. magkaiba landas na tinatahak nyu. mas bibilib pa sana ako sau kung nagpaka kuya ka sana.”
Ogie Diaz tinalakan si Rendon Labador: Huwag natin pairalin yung pagiging siga
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.