Cristy Fermin binoldyak si Ricci Rivero: 'Ano'ng gusto mong palabasin, na si Andrea Brillantes ay isang just-just?' | Bandera

Cristy Fermin binoldyak si Ricci Rivero: ‘Ano’ng gusto mong palabasin, na si Andrea Brillantes ay isang just-just?’

Ervin Santiago |July 10,2023
facebook
share this

Cristy Fermin binoldyak si Ricci Rivero: ‘Ano’ng gusto mong palabasin, na si Andrea Brillantes ay isang just-just?’

Ervin Santiago - July 10, 2023 - 04:07 PM

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin nagsasalita si Andrea Brillantes tungkol sa kontrobersyal na breakup nila ng basketball player na si Ricci Rivero.

At mukhang wala na nga siyang balak na humarap sa madlang pipol para magdetalye sa pagkawasak ng relasyon nila ni Ricci, lalo na ang tungkol sa viral video na kuha sa condo unit ng cager kasama ang babaeng nakatapis ng tuwalya.

Kaya naman until now ay patuloy na binabanatan si Ricci sa pagsasalita sa “Fast Talk with Boy Abunda” kung saan inamin niya na may mga pagkakataong umuuwi si Andrea sa condo niya and vice versa.

Isa na nga sa mga nag-react sa isyu ay ang veteran TV host-entertainment columnist na si Nanay Cristy Fermin, partikular na sa pagiging “kiss and tell”  umano ni Ricci.

Baka Bet Mo: Babae sa viral video na kuha sa condo ni Ricci hinamon ng netizens na lumantad na, pinayuhang magreklamo kung walang kasalanan

Sabi ni Nanay Cristy, hindi tama ang ginawa nitong pag-amin on national television na natutulog at tumitira paminsan-minsan si Andrea sa bahay niya. Hindi lang ito makaaapekto sa dalaga kundi maging sa mga magulang nila.

“Anong gusto mong palabasin? Na si Andrea Brillantes ay isang just-just (basta-basta)? Di pa ba pagdedetalye yung sinabi mo na natutulog na kayo sa bahay ng isa’t isa? At may basbas ‘yan ng inyong mga magulang?”

“At yun na nga ang nangyayari ngayon. Konti pa lang ang inilalabas ni Blythe. Bungi- bungi ang kwento mo. ‘Sana idinetalye mo para naging pasable para sa akin. Kaso kulang-kulang,'” sabi ni Nanay Cristy sa kanyang online show.

Sure na sure raw ang premyadong host na kawawa si Ricci kapag nagdesisyon si Andrea na ibandera sa publiko ang lahat ng nangyari.

Related Chika:

Ricci Rivero pwedeng kasuhan ni Andrea Brillantes ng ‘Violation Against Women And Children’ kung…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Andrea Brillantes, Ricci Rivero nagpapakasaya sa kanilang ‘Siargao date’, bashers tuloy ang pangnenega

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending