Daniel, Kathryn nagpa-thanksgiving sa KathNiel fans: Hindi enough ang pasasalamat na ito sa grabe n'yong pagmamahal Bandera

Daniel, Kathryn nagpa-thanksgiving sa KathNiel fans: Hindi enough ang pasasalamat na ito sa grabe n’yong pagmamahal

Ervin Santiago |September 28,2022
share this

Daniel, Kathryn nagpa-thanksgiving sa KathNiel fans: Hindi enough ang pasasalamat na ito sa grabe n’yong pagmamahal

Ervin Santiago - September 28, 2022 - 11:25 AM

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo kasama ang ilan sa mga loyal KathNiel fans (Photos from Star Magic IG)

PERSONAL na dumalo ang Kapamilya couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa thanksgiving event para sa mga loyal KathNiel fans.

Hindi pinalampas nina DJ at Kath ang pagkakataon na makasama at maka-bonding ang kanilang supporters na 11 years nang sumusuporta at nagmamahal sa kanila.

Ang nasabing event ay dinaluhan din ng ilang kaibigan ng magka-loveteam kabilang na sina KaladKaren Davila at DJ Jhai Ho na nagsilbi ring hosts ng programa.

Ilang litrato at video clips na kuha sa pa-thanksgiving nina Kathryn at Daniel ay in-upload sa Star Magic social media accounts. Dito nga makikita ang pakikipag-bonding ng KathNiel sa mga fans.

“Genuinely, gusto naming magpasalamat sa inyo because you guys give us inspiration, happiness, lalo na sa panahon na kami ay down, pagod at hindi naniniwala sa mga sarili namin. Kayo ang nagbubuhat sa amin,” ang bahagi ng mensahe ni Daniel para sa mga loyal supporters nila ni Kath.

Sey naman ni Kathryn, “Hindi enough ‘yung pasasalamat na ito. No words can explain how thankful we are talaga sa grabe niyong pagmamahal.

“Ang daming nagmamahal pero iba kayo magmahal. Paano niyo nagagawa yon? As in, iba talaga. Kaya maraming salamat,” aniya pa.


Nauna rito, nag-post din sina DJ at Kath sa Instagram ng mensahe ng pasasalamat aa KathNiel fans bilang bahagi ng kanilang anniversary celebration para 11 years ng kanilang loveteam.

Nagsimulang magtambal ang dalawang Kapamilya stars sa 2010 ABS-CBN series na “Growing Up.” Sinundan pa ito ng mga blockbuster TV show na “Princess and I” (2012), “Got to Believe” (2013), “Pangako Sa’yo” (2015), at “La Luna Sangre” (2017).

Bumida rin sila sa mga box-office  Star Cinema movies na “Crazy Beautiful You,” “Barcelona: A Love Untold,” “She’s Dating the Gangster,” at “The How’s of Us.”

Sa kasalukuyan, humahataw ang kanilang romcom series na “2 Good 2 Be True.”

Kathryn, Daniel ibinandera ang isang dekadang relasyon, aamin na ba kung anong sikreto?

Jake Ejercito sa lahat ng boboto sa Eleksyon 2022: Be loyal to the country…not to politicians

Pauleen ibinandera ang 10 taong relasyon nila ni Bossing: Know that in this life, I will always choose you

Oyo loyal na loyal kay Kristine: Kung wala si God, malamang nagloko na ‘ko, may anak na sa ibang babae

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending