Ruru kinalimutan na ang pagiging babaero mula nang maging dyowa si Bianca; blessing kung ituring si Rhea Tan | Bandera

Ruru kinalimutan na ang pagiging babaero mula nang maging dyowa si Bianca; blessing kung ituring si Rhea Tan

Ervin Santiago |March 08,2023
facebook
share this

Ruru kinalimutan na ang pagiging babaero mula nang maging dyowa si Bianca; blessing kung ituring si Rhea Tan

Ervin Santiago - March 08, 2023 - 09:32 AM

Ruru kinalimutan na ang pagiging babaero mula nang maging dyowa si Bianca; blessing kung ituring si Rhea Tan

Rhea Tan, Ruru Madrid at Bianca Umali

SUMUSUMPA ang Kapuso hunk actor at TV host na si Ruru Madrid na hindi na siya babaero ngayon at loyal na loyal na siya kay Bianca Umali.

Sa katunayan, inamin ng aktor na pinaghahandaan na niya ang future nila ni Bianca, kabilang na ang pagpapatayo ng kanilang magiging bahay.

Nakachikahan ng ilang miyembro ng entertainment media si Ruru sa presscon ng Beautederm kahapon, March 7, kasama ang iba pang Sparkle artists na ipinakilala bilang mga bagong ambassador ng kumpanya ni Rhea-Anicoche Tan.

Natanong sa aktor kung totoong nagpapatayo na siya ng bahay para sa kanila ni Bianca, “Yung isa po para sa pamilya ko. Iyon po yung dream house ko for them.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


“And then, after that, once na matapos ko na po yun, ayun na, siyempre po para sa aking susunod na pamilya,” pagbabahagi ni Ruru.

Si Bianca na ba ang tinutukoy niyang “susunod na pamilya”? “Yes. Hopefully,” tugon ng binata.

Ayon pa kay Ruru, unti-unti na niyang natutupad ang mga pangarap niya sa buhay kaya naman abot-langit ang pasasalamat niya sa GMA 7 at sa Sparkle dahil sa patuloy na tiwala at pag-aalaga sa kanya.

“Parang simula nu’ng kumikita na ako. Siyempre, hindi naman kami galing sa mayamang pamilya, ayoko nang hayaang bumalik yung buhay na nahihirapan na ang pamilya ko.

“Sinabi ko talaga sa simula na nagtrabaho ako, kahit na gaano ito nakakapagod, kahit na dugo’t pawis ang inaalay ko dito, okay lang sa akin basta mabigyan ko ng magandang buhay yung pamilya ko, at yung magiging pamilya ko na susunod sa buhay ko,” pahayag ni Ruru.

Sa tanong naman kung hindi na siya babaero mula nang maging dyowa niya si Bianca, “Ay naku, hindi na talaga! Sobrang vocal kasi ako sa nararamdaman ko, e. I mean, pag may nagustuhan akong babae, sasabihin ko talaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rei Ramos Anicoche (@missrheatan)


“Siguro nu’ng time kasi na yun, single ako. So, puwede ko naman gawin ang mga bagay na gusto ko. Pero ngayon kasi, wala na, e. Nakita ko na ang kahalagahan na mga bagay na meron ako. Ayoko nang mawala yun,” esplika pa ni Ruru.

Isa pa sa itinuturing na biggest blessing ni Ruru ang pagiging bahagi ng Beautederm kung saan kasama rin niya si Bianca bilang brand ambassador.

Baka Bet Mo: Daniel, Kathryn nagpa-thanksgiving sa KathNiel fans: Hindi enough ang pasasalamat na ito sa grabe n’yong pagmamahal

Ang iba pang celebrity endorser ng beauty and wellness company ni Ms. Rhea Tan mula sa Sparkle ng GMA ay sina Rayver Cruz, Cassy Legaspi at Sanya Lopez.

Ipinakilala rin sa mediacon ang mga bagong Kapuso stars na endorser na rin ngayon ng Beautedetm skincare products – yan ay sina, Edgar Allan Guzman, Ysabel Ortega, Thia Tomalia, Patricia Tumulak at Buboy Villar.

Ayon kay Ms. Rhea, napakaganda ng partnership nila sa Sparkle dahil never siyang nagkaproblema sa loob ng limang taon nilang bonggang collaboration.

“For me, beauty goes beyond the face. It is reflected in one’s soul. The intention of Beautéderm is not just to make people beautiful and glowing, but to extend hands to those in need, through the support and success of our resellers, distributors, and franchisees.

“What you do to the communities makes you beautiful. Recently, some of our scholars graduated with honors and that makes me extremely happy — that is the real measure of success — the number of hearts and lives you’ve touched,” pahayag ni Ms. Rei.

Andrea Brillantes ayaw na raw kay Seth Fedelin, ani Mama Loi: Babaero raw kasi

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Zeinab Harake naiyak nang makita si Marian, todo pasalamat kay Rhea Tan: ‘I love you talaga! Sobrang ganda mo!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending