Alex Gonzaga sinagot nag-wish ng masama sa kanyang baby

Alex Gonzaga sinagot nag-wish ng masama sa kanyang pagbubuntis

Therese Arceo - July 08, 2026 - 07:16 PM
Alex Gonzaga sinagot nag-wish ng masama sa kanyang pagbubuntis

DIRETSAHANG sinagot ng actress-vlogger na si Alex Gonzaga ang isang netizen na naghahangad ng hindi maganda sa kanyang pagbubuntis.

Habang nasa livestream ng kanyang iniendorsong produkto kasama ang kanyang tiyuhin na si Uncle Jojo, biglang lumitaw ang isang netizen na nag-comment ng sensitibong at mapanakit na pahayag para sa kanyang dinadala sa sinapupunan.

“Paano po pag namatay baby nyo? Kaya pa ng paragis?” Insensitive question ng naturang netizen kay Alex.

Ngunit sa halip na magalit o itigil ang live broadcast, pinili ng content creator na diretsahang sagutin at sitahin ang asal ng basher.

Baka Bet Mo: Alex Gonzaga buntis na sa panganay nila ni Mikee Morada

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“The fact na nasasabi ng ibang tao yan, ibig sabihin they are really full of hate,” kalmadong saad ni Alex.

Aniya, ang pagkakaroon ng ganoong klaseng galit at negativity sa katawan ay sumisira lamang sa panloob na kapayapaan ng isang tao.

“‘Yung negativity, hatred, yang anxiety, yang depression… mag-Paragis ka na! Alam mo kung bakit? Kasi ang Paragis nakakatanggal din po yan ng anxiety, ng panic attack,” lahad ni Alex.

Imbes na mainis ay ginamit pa niyang pagkakataon ang basher para mailahad ang mga benepisyo sa kalusugan ng iniendersong produkto.

Binigyang-diin rin ni Alex na mahalagang mapanatiling nasa tamang antas ang cortisol dahil ang labis na stress ay direktang nakapipinsala sa katawan ng tao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, marami naman sa mga netizens ang kumondena at nagalit sa naturang basher lalo na’t hindi naman sikreto sa madla ang pinagdaanang hirap ng vlogger sa mga nauna nitong pagbubuntis kung saan ilang beses siyang nakunan.

Marami pa rin naman sa mga netizens ang patuloy na nagdarasal at naghahangad ng malusog at ligtas ng panganganak ni Alex sa magiging panganay nila ng asawang si Mikee Morada.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending