Ex-dyowa ni Sachzna Laparan nakatanggap ng indecent proposal: Pangbayad utang

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang “diskarte” ng nag-trending na ex-dyowa ni Sachzna Laparan na si Mark “Jed” Pascual para makapagbayad ng kanyang utang.
Sa latest Facebook post nito ay ibinandera niya ang mga screenshots mula sa dalawang tao na nagtatanong kung papayag siyang makipag-one night stand.
“Hi magkano ka one night?? Na meet kita sa isang event before eh. Nag-message ako sa page mo. Pwede ka one night?” Sunud-sunod na mensahe ni “Yana” sa ex-dyowa ni Sachzna.
Ibinahagi rin niya ang isa pang screenshot ng umano’y tropa ni “Yana” kung pwede siya ng isang gabi.
Baka Bet Mo: Bakit ‘nadamay’ si Piolo Pascual sa isyu ng hiwalayang Sachzna-Mark?
View this post on Instagram
“Pwede na to. Pangbayad utang lang,” saad sa caption ng ex-dyowa ni Sachzna.
Agad namang umani ng samu’t-saring komento mula sa madlang pipol ang naturang post.
May isang netizen pa nga ang nag-comment at tinag pa ang ina ni Sachzna na si Christine Policarpio.
“Christine Laparan Policarpio ayan na mamitin gumgawa na po ng paraan,” saad ng netizen.
Comment naman ng isa, “Kumapit na sa patalim makatugon lng HAHAHHA ganto dapat gagawin lahat para makabayad.”
“Kaya pala sabe ni sachzna sa isang interview madiskarte ka daw hahahaha,” hirit naman ng isa.
Samantala, isang screenshot naman ang ibinandera ng ina ng content creator-business owner ang mensahe na tila patungkol kay Jed.
“HAHAHAHAHAHA TE KUNG SINO MAN NAG MSG SA KANYA GOODLUCK! ABA DALIAN NYO IPAG PRAY NYO TALAGA NA MAG KABUTIHAN BAKA ISA SA MGA NAKAKABASA NETO EH MAPUNTA PA SAINYO! KAYO DIN
“BASTA IPAALALA NYO LANG NANDITO LANG NANAY NI SACHZNA MAGHIHINTAY MAG BAYAD NG UTANG NYA. SALAMAT MGA NAK! MAY THE BEST GIRL WIN! GALINGAN NYO!” sey pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
