Lolit sinabing 'di kasalanan ni Bea ang 'di nagtatagal na relasyon

Hindi kasalanan ni Bea kung ‘di nagtatagal ang mga relasyon niya — Lolit Solis

Therese Arceo |February 08,2024
facebook
share this

Hindi kasalanan ni Bea kung ‘di nagtatagal ang mga relasyon niya — Lolit Solis

Therese Arceo - February 08, 2024 - 03:23 PM

Hindi kasalanan ni Bea kung 'di nagtatagal ang mga relasyon niya — Lolit Solis
NAG-REACT ang talent manager at showbiz columnist na si Lolit Solis hinggil sa hiwalayang Bea Alonzo at Dominic Roque.

Ngayong araw, February 8, nag-post siya sa Instagram ng kanyang saloobin hinggil sa talk of the town news ngayon.

“Natawa naman ako Salve na kasali ako sa issue ng hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque. Talagang ako na ang sawsawera ng taon ha, dahil kahit anong issue lagi nakakabit ang name ko. Kaloka talaga,” panimula ni Lolit.

Sa kabila ng iba’t ibang chika hinggil sa tunay na rason ng paghihiwalay ng dalawa, ipinagtanggol ng talent manager ang Kapuso actress hinggil sa mga chikang nagtuturo na siya ang may kasalanan kung bakit nagpe-fail ang mga relasyon nito.

“[Isang] bagay masasabi ko, kundi nagtatagal mga relasyon ni Bea Alonzo hindi niya kasalanan lyon. Sabi nga it takes 2 tnio tango, imposible isa lang ang may issue, sure na 2 kayo na hindi nagkasundo,” giit ni Lolit.

Pagpapatuloy niya, “‘Pag hindi naging mapagbigay iyon isa, tiyak na hindi nga magtatagal.”

Baka Bet Mo: Bea Alonzo, Dominic Roque hiwalay na ayon kay Boy Abunda

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ani Lolit, dapat raw ay may pagbibigayan ang isang couple sa kanilang relasyon para kung may problema ay maayos nila.

“Hindi puwede iyon sabay kayo sa emotional heat of the moment. Dapat talaga isa ang medyo magbaba ng pride, o huwag ng sumabay sa init ng ulo ng isa.

“Communication is the key sa maayos na usapan. Basta open lagi ang line between you and your partner, walang magiging problema,” payo ni Lolit.

Sure rin daw ang talent manager na makikita pa rin ni Bea ang partner na talagang babagay at magmamahal sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya naman kay Bea Alonzo sure ako na makikita parin niya ang partner na babagay sa kanya, at talagang magmamahal ng lahat sa kanya, unconditional, kahit ano pa siya.

“Basta itanong niyang mabuti sa sarili niya, ano ba talaga ang gusto niya at hinahanap niya, at pag nasagot niya, hayun na, makikita na niya ang mailap na ligaya na hanap niya,” sey ni Lolit.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending