Heart piniling ipaglaban si Chiz: I chose the right person

Heart piniling ipaglaban si Chiz sa magulang: I chose the right person

Ervin Santiago |March 19,2024
facebook
share this

Heart piniling ipaglaban si Chiz sa magulang: I chose the right person

Ervin Santiago - March 19, 2024 - 06:35 AM

Heart piniling ipaglaban si Chiz sa magulang: I chose the right person

Heart Evangelista at Chiz Escudero

INAMIN ni Heart Evangelista na mas pinili niya ang sariling kaligayahan kesa sa kanyang mga magulang nang magpakasal siya kay Sen. Chiz Escudero.

Dahil dito, parang ang feeling niya, imposible na silang magkabati ng kanyang mga magulang na sina Reynaldo at Cecilia Ongpauco, na matindi ang pagtutol noon kay Sen. Chiz Escudero.

Nguniti iba naman ang pakiramdam that time ng senador dahil sa kabila ng mga naging intense na kaganapan sa pagitan nilang mag-asawa sa mga magulang ng aktres ay naniwala pa rin siya na magiging maayos din ang lahat – sa tamang panahon.

Baka Bet Mo: Arjo hindi ma-explain ang feeling ngayong araw-araw nang kasama si Maine: ‘It’s very fun and very happy…few adjustments here and there’

Sa guesting ng celebrity couple sa “Fast Talk with Boy Abunda” last Thursday ay tinanong sila  kung anu-ano ang mga natutunan nila sa pagkontra noon ng parents ni Heart kay Chiz.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“I knew from the beginning that it would be alright. It was just a matter of time. I believed in that, I was confident in that,” sagot ng senador.

Sey naman ng Kapuso actress, “Hindi ako naniniwala. Siya napakanormal ng buhay niya, ‘yung family setup, I feel like we have more of a complicated setup.

“So sa lahat ng pinagdaanan ko then with them, it was about my lovelife, it would always be complicated,” pagbabahagi ni Heart.

Dagdag pa niya, “So for me, parang hindi ko rin iniisip na magiging maayos. I just knew at the time, there’s a point in your life na kailangan mong piliin ang sarili mo and what makes you happy, because you’re the one who’s gonna live your life.”

“So, I really didn’t think that it would be okay, but I knew for me. And that eventually, our love story will tell them otherwise,” lahad pa ng aktres.

Baka Bet Mo: Heart Evangelista tinanggal ang apelyido ni Sen. Chiz sa IG name, may pinagdaraanan nga ba?

Sa tanong ni Tito Boy kung bakit alam ni Chiz na magkakaayos din si Heart at ang mga magulang nito, “Siguro dahil mas matanda ako. Mas marami na akong nakita, nakilala.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“At siguro kasabay na rin at dala ng pananampalataya at paniniwala na wala ka namang ginagawang mali o masama, sa dulo ‘yun pa rin ang makikita nila,” paliwanag ng politiko.

Naiintindihan din daw niya kung bakit sobra ang pagprotekta kay Heart ng kanyang mga magulang, “Yes. Overly protective and loving parents.”

Sey naman ni Heart, naiintindihan naman daw niya ang pinanggagalingan ng kanyang nanay at tatay, “I understood, but naisip ko noong time na ‘yun, it was my turn.

“I’ve given up a lot of people in my life in the past for their happiness. It was my time to be happy,” paliwanag ng aktres.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na matindi rin ang naging isyu sa pagitan ni Chiz at ng parents ni Heart na naging dahilan ng pangdededma ng mga ito sa kasal nila noong 2015.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon ay maayos na maayos na ang relasyon ng kanilang pamilya at sa katunayan present na ang nanay ni Heart sa renewal of vows ng mag-asawa nitong nagdaang Pebrero.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending