#SaTamangPanahon: Paano nga ba nagkabati ang mga magulang ni Heart at si Chiz? | Bandera

#SaTamangPanahon: Paano nga ba nagkabati ang mga magulang ni Heart at si Chiz?

Ervin Santiago |September 07,2021
facebook
share this

#SaTamangPanahon: Paano nga ba nagkabati ang mga magulang ni Heart at si Chiz?

Ervin Santiago - September 07, 2021 - 09:10 AM

Chiz Escudero, Heart Evangelista, Cecilia at Reynaldo Ongpauco

KUNG halos isumpa noon ng mga magulang ni Heart Evangelista ang asawa niyang si Sorsogon Gov. Chiz Escudero, kabaligtaran na ang mga ganap ngayon sa kanilang pamilya.

Abot-langit ang pasasalamat ng Kapuso actress dahil sa kabila ng mga nangyari noon sa pagitan ni Chiz at ng parents niya, dumating din ang araw na nagkaayus-ayos ang mga ito.

In fairness, talagang pinanindigan ni Heart ang pagmamahal niya noon kay Chiz kaya kahit walang blessing ang kanyang magulang ay itinuloy pa rin nila ang pagpapakasal.

At tulad nga ng matandang kasabihang “time heals all wounds”, natanggap din si Chiz ng tatay at nanay ni Heart na sina Reynaldo at Cecilia Ongpauco.

Sa katunayan, sa Sorsogon (kung saan governor si Chiz) na rin ngayon nakatira si Reynaldo na hiwalay na ngayon sa kanyang asawa. 

Ayon kay Heart, kahit noong bagong kasal pa lang sila ni Chiz, naniniwala siya na darating din ang araw na magkakasundo ang kanyang ama at asawa.

“Mahilig kami sa mga lumang bagay, mahilig kami sa kahoy, we have so many things in common,” ang sabi ni Chiz sa panayam ni Karen Davila.

Kuwento ng gobernador, never niyang inilayo si Heart sa pamilya nito. Sa katunayan, siya pa ang laging nagsasabi sa aktres na makipagbati na sa kanyang parents.

“I told her, ‘It’s okay for you to make peace with your parents whatever it is they think about me, dahil magulang mo ‘yan, at kapag may nangyari sa kanila at hindi kayo nagbati, you will be regretful the rest of your life and it will affect me too.’

“So, sabi ko, ‘wag naman. Magbati na kayo.’ So, nagbati na sila. Kami hindi pa,” pahayag ni Chiz.
Kasunod nito, ibinahagi rin ng politiko kung paano sila nagbati ni Mr. Ongpauco, “One time, one day, they went to the house. Alis muna ako. Kasi nandu’n sila, eh.

“And then she calls me up and says, ‘Halika, punta ka rito.’ Sabi ko, ‘Wala na sila?’ ‘Hindi, nandito pa. Okay na.’

“Sabi ko, ‘On one condition, walang sorry, hindi pag-uusapan ‘yon, parang wala lang nangyari, like the first time we met and then we met again. And that’s where it began,” pagbabahagi pa ni Chiz.

Hirit naman ni Heart, nagiging emosyonal pa nga raw paminsan-minsan ang kanyang ama kapag nagkakakuwentuhan sila ng asawang governor.

“My dad sometimes he gets teary-eyed with Chiz in Sorsogon. Sasabihin niya, ‘Sana dati pa tayo naging okay. Sana I had more time to be with you.’ He’s so cute!” sabi pa ng Kapuso star.

Pagkumpirma naman ni Chiz sa sinabi ni Heart, “He’s a nice guy and he’s getting emotional of life because of like some of his relatives are also getting older, he himself is getting older, feeling some stuff in his body. So, people tend to be more emotional.” 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Habang nagsasalita si Heart tungkol sa ama ay mangiyak-ngiyak na siya kasabay ng pagsasabing mahal na mahal niya ito pati na rin ang kanyang ina.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending