Heart Evangelista tinanggal ang apelyido ni Sen. Chiz sa IG name, may pinagdaraanan nga ba? Bandera

Heart Evangelista tinanggal ang apelyido ni Sen. Chiz sa IG name, may pinagdaraanan nga ba?

Therese Arceo |August 09,2022
share this

Heart Evangelista tinanggal ang apelyido ni Sen. Chiz sa IG name, may pinagdaraanan nga ba?

Therese Arceo - August 09, 2022 - 08:07 PM

Heart Evangelista tinanggal ang apelyido ni Sen. Chiz sa IG name, may pinagdaraanan nga ba?
USAP-USAPAN ngayon sa social media ang actress-vlogger na si Heart Evangelista matapos mapansin ng mga netizens ang pagbabago sa kanyang Instagram account.

Marami ang curious kung may pinagdaraanan nga ba ang actress-vlogger dahil nawala na ang “Escudero” sa kanyang bio sa Instagram.

Noon kasi ay “Love Marie Ongpauco-Escudero” ang pangalang nakalagay sa IG bio ni Heart ngunit ngayon ay mapapansing “Love Marie” na lang ito.

Ngunit nang tignan naman namin ang Twitter account niya ay makikita pa rin ang Escudero sa pangalan nito.

Aware naman ang lahat na ang asawa ni Heart ay walang iba kung hindi si Sen. Chiz Escudero.

Bukod pa rito ay maraming tagasuporta ang dalawa kaya hindi kataka-taka kung marami ngayon ang curious sa biglang pagtanggal ni Heart sa apelyido ng asawa.

May ilang netizens naman ang naniniwala na baka na-bore lang ang aktres at gusto ng bagong ganap sa kanyang Instagram kaya ginawang “Love Marie” na lang ang pangalan sa bio.

Curious rin ang mga tao sa kanyang IG story na “Oceans” ng Hillsong kaya tingin ng mga followers niya ay may pinagdaraanan siya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)

Nandoon pa rin kasi ang description na “wife” kaya kahit papaano ay panatag silang maayos naman ang pagsasama ng dalawa.

May ilan rin na nagsasabing baka may bagong project or endorsement lang si Heart at parte lang ito ng plano para gumawa ng ingay ang pangalan ng aktres.

Sa kabila ng iba’t ibang espekulasyon ng mga netizens ay nananatili namang tahimik si Heart at Chiz ukol rito.

Samantala, huling namataang magkasama ang mag-asawa sa naganap na kauna-unahang GMA Thanksgiving Gala Night na ginanap sa Taguig City noong July 30.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag nina Heart at Sen. Chiz ukol sa isyung ito.

Related Chika:
B-day message ni Heart kay Chiz: Mawala na lahat wag lang ikaw, mahal na mahal kita darleeeeng!

Heart muntik nang hiwalayan noon si Chiz: Feeling ko kasi isa akong sumpa!

Heart Evangelista ibinandera ang P100 bracelet na bigay ni Chiz Escudero

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending