Heart Evangelista ibinandera ang P100 bracelet na bigay ni Chiz Escudero | Bandera

Heart Evangelista ibinandera ang P100 bracelet na bigay ni Chiz Escudero

Therese Arceo |February 09,2022
facebook
share this

Heart Evangelista ibinandera ang P100 bracelet na bigay ni Chiz Escudero

Therese Arceo - February 09, 2022 - 09:57 PM

Heart Evangelista ibinandera ang P100 bracelet na bigay ni Chiz Escudero

PROUD na ipinakita ng model-actress na si Heart Evangelista sa social media ang red string bracelet na iniregalo sa kanya ng asawang si Gov. Chiz Escudero.

Sa kanyang Instagram story ay ibinahagi ng aktres ang regalo ng asawa katabi ang isa pang string bracelet sa kanyang pala-pulsuhan.

Pagkukwento niya, may mga nagtatanong sa kanya kung saan niya nabili ang kanyang string bracelet na may charm at inamin naman ng maybahay ni Gov. Chiz na gawa ang kanyang charm bracelet mula sa isang luxury brand.

“Those asking me red string with charm is @cartier,” saad ni Heart.

Pero ang gumulat sa netizens ay ang halaga ng katabing string bracelet ng aktres na aniya ay regalo sa kanya ng asawa.

“Other red string was from Chiz which was 100 pesos… I think Grenhills (For The Win),” dagdag ni Heart na may kasama pang laughing emoji.

Hindi naman na rin nakakapagtaka kung may regalong nagkakahalaga ng P100 dahil kilala ito sa pagiging matipid at siya pa nga mismo ang laging nagpapaalala sa asawa na maging matipid lalo na sa tuwing bumibili ito ng luxury items gaya ng mga bags at shoes.

View this post on Instagram

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)

Also, hindi mo na rin naman mapapansin kung mumurahin ang isang bagay kapag suot na ito ng aktres dahil sa galing nitong magdala.

Tila may rule rin si Chiz kay Heart na maaari lang itong bumili ng bagong dagdag sa kanyang mga koleksyon kapag nagbawas o nagbenta siya ng kanyang kasalukuyang mga gamit.

Kamakailan rin ay naging usap-usapan rin ang dalawa matapos regaluhan ni Heart ng mamahaling relo si Gov. Chiz para sa kanilang anniversary.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Balancing act – pag gumastos ka for yourself need mo din gift asawa mo para di ka pagalitan,” pabirong saad ni aktres.

Related Chika:
Heart lagot kay Chiz: Saan ka na naman nag-shopping? Ano yan, ha?
Heart talagang naghanap ng lalaking mas matanda sa kanya; Chiz may tips para makaiwas sa toxic na kapamilya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending