Ogie Diaz diniretsa si Kim Rodriguez: Ano ang totoo rito?
NAGSALITA na ang talent manager at komedyanteng si Ogie Diaz kaugnay ng isyung kinasasangkutan ng kanyang alagang si Kim Rodriguez na diumano’y may relasyon raw kay Marc Pingris.
Mula kasi nang pumutok ang chika tungkol sa dalawa ay marami nang netizens ang nangungulit sa kanya na magsalita at kumpirmahin kung totoo nga ba ito.
Bagamat nauna nang idenay ng kampo ni Marc na walang katotohanan ang mga ito, gusto pa ring marinig ng madlang pipol ang panig ng aktres at kung ano ang mase-say ni Ogie sa isyu.
Kaya naman sa kanilang latest episode “Showbiz Update” ay nagsalita na ang talent manager at sinabing nakausap na niya si Kim tungkol dito.
“Naku! Ito na, Loi. Talagang ako ang binabalbakan ng mga netizen […] Teka nga, isa-silent ko muna itong [cellphone ko],” panimula ni Ogie.
Baka Bet Mo: Marc Pingris dinenay na may ‘something’ sila ni Kim Rodriguez
View this post on Instagram
Biro pa niya, “Nakakaloka! Ako ang tinatanong nila. Buti na lang bading ako.”
Ani Ogie, pinabulaanan ni Kim ang isyung kumakalat laban sa kanya.
“‘Yung totoo? Nakausap ko nga itong si Kim Rodriguez dahil ako nga ay binulabog ng tawag, texts, at mga DM kaya kinausap ko ‘yong alaga ko.
“Tinanong ko nga siya, ‘Hoy Kim ano ang totoo rito? [Sagot niya], ‘Tito, hindi po ‘yan totoo,'” sabi ni Ogie.
Dito ay nabanggit ni Mama Loi ang iba pang larawan na kumakalat ng picture niya at ni Marc kasama ang tindera sa isang food stall.
“Tinanong ko si Kim diyan, ‘Oh anong totoo dito? Dahil doon sa gasoline station, pareho kayong may picture ni Marc Pingris sa girl.
“Sabi sa akin ni Kim, ‘Yong picture po na ‘yan, yes ako ‘yan… nagpunta po ako diyan, nag-stop over ako diyan, kasi papunta ako ng Subic. Kasama ‘yong mga kaibigan ko. ‘Yong kay Marc Pingris, hindi ko po alam kung kailan ‘yon,'” paliwanag ng alaga kay Ogie.
Aniya, kahit raw tanungin ang tindera sa picture, saksi ito na totoo ang kanyang sinasabi na hindi sila magkasama noon ng basketbolista during that time.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.