Marc Pingris dating tindero sa palengke: ‘Dito ako nagsimula at proud ako!’
INSPIRASYON ang hatid ng latest social media post ng professional basketball player na si Marc Pingris.
Sa Facebook, makikita ang kanyang litrato na nakaupo at tila nagbebenta ng margarine sa isang sulok.
At diyan niya ibinunyag na dati siyang naging tindero sa palengke noong bata pa siya.
“Na-experience ko din magtinda ng margarine sa palengke ‘nung 12 years old ako. Dito ako nagsimula at proud ako sa lahat [holding back tears emoji],” caption niya sa post.
Mensahe pa niya sa madlang pipol, “Walang imposible. Maabot natin ang mga pangarap natin basta magsumikap lang tayo at magdasal mga kabsat. Laban lang! [folded hand emoji].”
Sa comment section, maraming netizens ang humanga at sumang-ayon kay Marc.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“100 percent na tama lods. Hard works make you proud who you are at present.”
“Wow galing talaga! Proud po ako sayo palagi idol”
“Salute kuya sayo,ang lahat ng pagsisikap ay may nararating God bless”
“Tama walang imposible basta magdasal at magsumikap lng sa buhay.”
“Masipag ka pala Kaya ka pinagpala”
“Salamat sa inspirasyon idol…yan pala ang dahilan ng pagtangkad mo idol.”
Magugunita noong Marso nang itinanggi ni Marc na may “something” sila ng aktres na si Kim Rodriguez.
Ito ay matapos mag-viral sa socmed ang hiwalay na litrato ng dalawa na nagpa-picture sa iisang lugar.
Ibinandera ng aktres ang kanyang photo na ang background ay ang famous Opera House sa Australia, at nataon din na may parehong post si Marc sa kanyang IG stories kung saan makikita ang same spot.
Ayon sa basketbolista, nakasama lang niya si Kim sa isang basketball event at noong minsa’y naging muse ito ng kanilang team.
Taong 2007 nang ikinasal si Marc sa aktres na si Danica Sotto.
Biniyayaan sila ng tatlong anak na sina Jean Michael, Caela at Jean-Luc.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.