Danica sa nagpapakalat ng fake news: Ang sinungaling talaga!

Danica sa mga nagpapakalat ng fake news: OMG! Ang sinungaling talaga!

Ervin Santiago - May 30, 2024 - 07:40 AM

Danica sa mga nagpapakalat ng fake news: OMG! Ang sinungaling talaga!

Marc Pingris at Danica Sotto at Baby Jean-Luc

NAPIKON at nairita rin si Danica Sotto noong kasagsagan ng chika tungkol sa pambababae umano ng kanyang asawang si Marc Pingris.

Sa katunayan, nag-usap daw talaga sila ng kanyang mister nang maglabasan ang mga fake news about his affair daw sa aktres na si Kim Rodriguez.

Ayon kay Danica, okay na okay pa rin ang pagsasama nila ni Marc bilang married couple at naka-move on na silang mag-asawa sa malilisyosong intriga.

Baka Bet Mo: Danica inalala ang pagbubuntis sa bunsong anak: ‘Hindi na ako nakakatulog, ang bigat-bigat, ang sakit-sakit sa balakang at sa tiyan’

Sa panayam ng “Updated with Nelson Canlas” podcast, unang nilinaw ng anak nina Vic Sotto at Dina Bonnevie ang ipinost niyang quote sa Instagram na may konek sa “betrayal” at “loyalty”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Danica Sotto-Pingris (@danicaspingris)


Hindi raw si Marc ang pinatutungkulan niya sa naturang IG story, “I post because I like the quote or sometimes, noong time na iyon, aaminin ko, it was a feeling that I was feeling about someone else, na parang napipikon ako sa isang tao.

“And that is a person na nangloko sa amin sa negosyo. A person we truly trusted,” paglilinaw ng dating aktres at TV host kasabay ng pagsasabing until now ay pinoproblema pa rin nila ang pagpasok sa nasabing business.

Patuloy ni Danica, “This tabloid, ang ginawa, kinuha ‘yung quote ko na ‘yun. Sinabi na I’m confirming daw the issue kasi pinapatamaan ko daw si Marc. Pero hindi na ako nagsalita.”

Baka Bet Mo: Danica Pingris may update sa pagbubuntis: I’m really feeling every symptom

At dito na kinumpirma ni Danica na nag-usap sila ni Marc nang masinsinan at nagkasundong huwag nang mag-post sa social media ng mga quote na maaaring iba ang dating sa mga makakabasa.

“So, parang doon pumasok ‘yung communication namin na usap talaga.

“Tapos ako naman sa side ko, pinagsabihan ko lang siya na, ingat sa mga nakakasama, ingat sa mga pinupuntahan.

“Minsan kasi, sa ‘yo wala lang ‘yun, you’re too friendly or hindi friendly, e, accommodating, di ba? ‘Yung parang, oh, ito chika-chika. Ganoon naman mga basketball player, e,” sey pa ni Danica.

“Tapos ‘yun lang gagawin ng mga tao, gagawan ng butas, pagdidikit-dikitin, tatagpi-tagpiin,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Rodriguez (@akosikimrodriguez)


Patuloy pa niya tungkol sa mga Marites, “Ang dami pa nga nilang may mga tsinismis pa sila before about my dad, (Bossing Vic). May ganito daw na anak na. Oh my gosh, ang sinungaling talaga!”

Pero ipinagdiinan ni Danica na ibang usapan na kapag mga anak na niya ang sangkot, “Siyempre, napikon ako pag anak mo na ‘yung tinitira. May sasabihin na masama, na very, very foul.”

“I think ‘yung foul doon is parang may mga sinabi na it’s the karma of my parents. ‘Yung ganoon.

“Ang rude, di ba? Ma parang, oh yeah, dahil sa mga kasalanan ng mga magulang kaya nagsasabi. Parang gusto kong sabihin, first of all, mali ang statement na ‘yan.

“And pangalawa, hindi niyo alam ‘yung buong story. Nag-speculate na kayo hindi niyo alam kung anong totoo at hindi,” lahad pa niya.

Last March, natsismis nga si Marc sa aktres na si Kim Rodriguez na may something daw dahil lang sa parehong litrato (may background ng Sydney Opera House) na ipinost nila sa social media.

“Walang katotohanan ang mga lumalabas na balita tungkol sa amin ni Ms. Kim Rodriguez. Walang namamagitan sa aming dalawa gaya ng sinasabi ng ibang tao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“OK kami ng pamilya ko. Wag na po tayo magpakalat ng mga balita na hindi totoo. Humihingi po kami ng respeto para hindi madamay ang mga anak namin ni Danica. Salamat po at God bless po,” ang paglilinaw ni Marc Pingris sa isyu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending