‘Mahilig’ na aktor tuloy ang pambababae kahit ilang beses nang nabuking ng dyowa; may kachurvahan habang lumilindol
HINDI pa rin pala tumitigil sa pagiging babaero ang isang magaling na aktor kahit taken na siya at laging nabubuking ng kanyang dyowa.
Ang katwiran ng dyowa ay magsasawa rin ‘yan sa takdang panahon basta ang mahalaga ay sa kanya umuuwi gabi-gabi and yes hindi pa naman siya iniiwan ng aktor.
Sabi ng aming source, “Okay na ‘yung iba-ibang babae ang kasama ni ___ (aktor) ibig sabihin walang seryoso kasi kung iisang babae lang ‘yan delikado baka ibahay na, e, doon na kabahan si ____ (dyowa) dahil baka o posibleng mauwi sa iisang bahay.”
Dagdag pa niya, “Bilib din naman kami kay ____ (aktor) ang bilis makakuha ng babae at ‘yung mga babae naman alam na marami sila at okay lang.”
May nakakatawang kuwento pa ang aming source, “Alam mo ba noong nagkaroon ng lindol sa ____ (probinsya), halos lahat ng naka-check in sa hotel naglabasan, nagtatakbo siyempre, di ba? Namumukod tanging si ____ (aktor) lang ang hindi lumabas ng kuwarto kasi may kasamang babae, e, pag lumabas siya, bukelya.”
Aba’y nakakatakot nga, paano pala kung bumagsak ang hotel? Mabuti na lang daw at walang masyadong napinsala kaya abut-abot daw ang pasalamat ng aktor.
Baka Bet Mo: Bianca Umali payag mag-join sa beauty pageant: Pero ang tanong papasa kaya ako sa height requirement?
* * *
Isang buwang selebrasyon ang handog ng iWantTFC ngayong Abril dahil siksik sa libreng movies at series ang mapapanood para gunitain ang Holy Week, Araw ng Kagitingan, at ang kaarawan ng nag-iisang Kim Chiu.
Gawing makabuluhan ang Semana Santa kasama ang buong pamilya sa panonood ng mga pelikulang tampok sa “Faith” special selection. Mapagpipilian ang “Himala” ni Nora Aunor, “Sta. Niña” ni Coco Martin, “The Healing” ni Vilma Santos, “Hiling” ni Camille Prats,” at iba pa.
Magiging available rin sa iWantTFC sa darating na Holy Week ang livestream ng Celebration of the Last Supper (Abril 6 ng 5 PM), Seven Last Words (Abril 7 ng 12 NN), Veneration of the Cross (Abril 8 ng 3 PM), at Easter Mass (Abril 8 ng 10 PM).
View this post on Instagram
Pwede namang itodo ang pagiging ‘proudly Filipino’ para sa Araw ng Kagitingan sa Abril 10 sa panonood ng mga palabas na tampok sa “Heroes” selection. Maaaring mag-enjoy habang natututo ng Philippine history sa pelikulang “Quezon’s Game,” docu-series na “The Last Manilaners,” educational series na “Bayani,” at Kapamilya teleseryeng “A Soldier’s Heart.”
Imbitado rin ang viewers na maki-celebrate sa kaarawan ni Kim Chiu sa Abril 19 dahil available para i-binge-watch ang ilan sa mga paborito niyang palabas. Mapa-comedy, romance, o horror, sagot ng iWantTFC ang mga palabas ng Chinita Princess tulad ng “Bride for Rent,” “Paano Na Kaya,” “The Ghost Bride,” at “Bawal Lumabas.”
Mas lalong paiinitin naman ng iWantTFC ang summer season dahil swak sa “Hot Bods” special selection ang nakakakilig na mga pelikulang “Always Be My Maybe,” “Ex with Benefits,” at “MOMOL Nights,” pati na rin ang iWantTFC original series na “Beach Bros.”
Unang Metro Manila Summer Film Festival tuloy na sa Abril; 8 entry sa MMFF 2022 kumita ng P501-M
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.