Bianca Umali payag mag-join sa beauty pageant: Pero ang tanong papasa kaya ako sa height requirement? | Bandera

Bianca Umali payag mag-join sa beauty pageant: Pero ang tanong papasa kaya ako sa height requirement?

Ervin Santiago |March 15,2022
facebook
share this

Bianca Umali payag mag-join sa beauty pageant: Pero ang tanong papasa kaya ako sa height requirement?

Ervin Santiago - March 15, 2022 - 07:51 AM

Bianca Umali seksing-seksi sa kanyang 2-piece bikini

Bianca Umali

GAME nga bang sumabak at rumampa sa mga beauty pageant ang Kapuso actress na si Bianca Umali?

In fairness naman sa dalaga, talagang may aura naman siya ng isang beauty queen kaya marami ang kumukumbinsi sa kanya na subukan niyang sumali sa mga pageant.

Pero mukhang wala ito sa mga plano at priorities ngayon ni Bianca, “Hindi po. Honestly, hindi at all. Pero marami po ang nagtatanong at nagsasabi na bakit hindi ko po subukan.

“Una ko pong concern ay aabot po ba ang aking height sa height requirement?” ang tawa nang tawang chika ng aktres na may taas na five feet, four inches.

Sa naganap na online presscon ng bago niyang teleserye sa GMA last March 9, ang “Mano Po Legacy: Her Big Boss” sinabihan siya na wala nang hinahanap na minimum height ang Miss Universe Philippines Organization.

Sagot ng dalaga, “Ayun po. But… bakit hindi? Iyon lang po siguro ang masasabi ko sa ngayon, bakit hindi?

“Kasi baka naman magbago ang ihip ng hangin in the future. Pero sa ngayon po, e, mukhang hindi, wala ho siya sa isip ko,” tugon ni Bianca.

Samantala, dahil nga tungkol sa pagtatrabaho sa corporate world ang tema ng “Her Big Boss” ay natanong din si Bianca kung ano kaya ang work niya ngayon kung wala siya sa showbiz.

“Actually, hindi ko po alam kung na-share ko na ito, pero I believe kung hindi ako nag-aartista, isa po sa mga pangarap ko, actually kahit ngayon na artista na ako, gusto kong nag-o-office work!

“Gusto ko yung may mga papel, gusto ko yung may mga tina-type, may mga pinipirmahan. Parang yung trabahong secretary, assistant, gusto ko abala. So, isa yun sa mga dream ko talaga, ang makapag-office work,” ang pag-amin ng bagong leading lady ni Ken Chan sa ikalawang kuwento ng “Mano Po Legacy.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by B (@bianxa)


Biniro naman ang dalaga na kung sakaling magdesisyon siyang tumigil na sa pag-arte ay baka kunin siya ng GMA bilang isa sa bossing sa Kapuso Network.

“Puwede naman po, iyon na lang ang fallback ko at least nasa GMA pa rin ako!” ang tawa nang tawang chika ni Bianca.

Kasama rin nina Ken at Bianca sa “Mano Po Legacy: Her Big Boss”  sina Kelvin Miranda, Pokwang, Teejay Marquez, Ricardo Cepeda, Marina Benipayo, Arlene Muhlach, Sarah Edwards, Haley Dizon, Sarah Holmes, Blue Cailes, Tyrone Tan, Jem Manicad, Phi Palmos at Lime Aranya.

Sa direksyon ni Easy Ferrer, ang “Mano Po Legacy: Her Big Boss” ay napapanood na mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bianca Umali nagpabakuna para sa kapakanan ng pamilya

Bianca Umali payag maging isa sa legal wife ng Muslim: Kung worth it naman po, bakit hindi…

Bianca na-challenge sa pagpapatawa sa ‘Mano Po Legacy: Ibang animal din ang comedy, ang hirap!

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending