Hashtag Wilbert Ross wala nang hiya-hiya sa paghuhubad: Yung stretch marks sa puwet ko, wala na akong magagawa du'n | Bandera

Hashtag Wilbert Ross wala nang hiya-hiya sa paghuhubad: Yung stretch marks sa puwet ko, wala na akong magagawa du’n

Ervin Santiago |May 18,2022
facebook
share this

Hashtag Wilbert Ross wala nang hiya-hiya sa paghuhubad: Yung stretch marks sa puwet ko, wala na akong magagawa du’n

Ervin Santiago - May 18, 2022 - 06:11 AM

Wilbert Ross at Angela Morena

“GAGALINGAN ko na lang nang todo para pareho kaming mag-enjoy!”

Yan ang diretsahang sagot ng dating member ng Hashtags na si Wilbert Ross nang tanungin namin kung importante ba na magaling sa kama ang magiging dyowa niya.

Sa naganap na virtual mediacon ng bagong Vivamax original sexy series na “High On Sex” kamakalawa, May 16, game na game na sinagot ni Wilbert at ng iba pang members ng cast ang naughty questions ng press.

Tungkol kasi sa sex life ng mga high school students ang nasabing series kaya naman karamihan sa ibinatong questions sa cast ay tungkol sa sex.

“The series will show kung ano ang pinagdaraanan ng mga kabataan in their teenage years,” ang simulang pahayag ng direktor ng movie na si GB Sampedro.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wilbert Ross (@hashtag_wilbert)


“Ito yung time na they explore sexually, pero hindi nila pinadaraan sa mga magulang nila kundi sa mga kaibigan lang nila.

“We show that it would be nice kung sa proceso ng buhay, nandoon yung mga magulang to help guide them kaysa they gain their knowledged about sex from their friends na, madalas, misconceptions lang ang naise-share sa kanila,” aniya pa.

Makakasama ni Wilbert sa “High on Sex” sina Migz Almendras, Angela Morena, Denise Esteban at Katrina Dovey with Rob Guinto, Marco Gomez, Micaella Raz, Andrea Garcia, Juami Gutierrez, Katya Santos, Sheree Bautista at Mark Carpio.

Kuwento ni Wilbert sa role niya sa serye as Gibo, “Unlike in ‘Boy Bastos’ na bobo at tanga yung role ko, dito, Gibo is a brainy kid, a scholar and honor student in their school, pero napakalibog niya. He has a very high libido.

“Noong Junior High, girlfriend niya si Kat Dovey who said they will go away bago sila mag-Senior High. But she went abroad kaya nabitin ako.

“Nabaling ang attention ko sa teacher naming napaka-sexy na lahat ng lalaki sa school ay pinapantasya siya, si Rob Guinto as Mrs. Salva, at magkakaroon kami ng very hot illicit affair,” chika ng binata.

Kung noon daw ay medyo nahihiya pa siyang ibilad ang hubad niyang katawan sa harap ng camera, ngayon daw ay mas comfortable na siya sa paggawa ng nude love scenes.

“Yes, I have accepted the flaws in my body, like yung mga stretch marks sa puwet ko, wala na akong magagawa roon. So, tinanggap ko na lang siya nang buo. Step by step, tinatanggap ko na yung flaws ng katawan ko habang naghuhubad ako.

“Actually, yung Crush Kong Curly (pelikula nila ni AJ Raval), hindi talaga ako kumakain. Takot ako na baka malaki sa screen ang tiyan ko. Tapos dire-diretso na. Nag-workout na ako, na-improve ko na yung sarili ko, yung katawan ko. Itutuloy-tuloy ko na talaga.

“I go to the gym to work out and I have gained more confidence. Sa tingin ko, yummy naman ako. At mas pinagbubuti ko talaga ang acting ko. I’m just sobrang thankful to Viva na tuloy-tuloy ang work ko kasi maraming walang trabaho,” katwiran ng binata.

Pangarap din ni Wilbert na makapagbida sa iba pang klase ng pelikula o digital series bukod sa mga sex-comedy, “So far, puro comedies ang nagagawa ko.

“Later, I want to play a flaming drag queen na sobrang out na out, pero comedy rin. Later on, I want to try doing serious roles, like I want to play the role of psycho killer,” aniya pa.

Natanong din ang binata kung okay lang sa kanya ang pre-marital sex, “Iba-iba ang tao, e. May tao talagang malilibog at hindi na makahintay. Meron namang sakto lang at hindi masyado.

“Those who have sex before marriage, I won’t judge them kasi kanya-kanya tayo ng pinaniniwalaan. I will just respect na lang lahat ng kapwa tao ko,” sagot ng aktor.

At sa question nga namin kung mahalaga sa da kanya na magaling sa kama ang partner niya, “For me, hindi naman importante kung magaling ang partner mo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang importante may good connection kayo and you complement each other. Kung hindi siya masyadong magaling, di ako na lang, gagalingan ko na lang nang todo,” ani Wilbert.
Sa direksyon ni GB Sampedro, mapapanood na sa Vivamax ang “High On Sex” simula sa June 5.

Hashtag Wilbert Ross game na game sa sex scenes pero hindi pa kayang magpakita ng ‘pototoy’

Wilbert umapela sa kumu voting sa ‘PBB’: Marami pang pamilya na mas nangangailangan ng tulong

Ex-Hashtag member Wilbert Ross todo depensa kay AJ Raval: Stay strong lang!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending