Magaling na aktor biglang nawalan ng TV show, tumangging pumatol sa gay exec | Bandera

Magaling na aktor biglang nawalan ng TV show, tumangging pumatol sa gay exec

Cristy Fermin |July 16,2019
facebook
share this

Magaling na aktor biglang nawalan ng TV show, tumangging pumatol sa gay exec

Cristy Fermin - July 16, 2019 - 12:25 AM

HINDI masyadong napapanood ngayon sa telebisyon ang isang magaling na aktor na hinasa ang talento sa pag-arte sa mundo ng entablado.

Siya ang pinagpistahan nu’ng minsan sa isang umpukan ng kanyang mga dating kasamahan na may konting tampo sa kanya dahil bigla siyang bumaklas sa grupong matagal niyang nakatrabaho.

Kuwento ng aming source, “Sa totoo lang, bigla kasing dumami ang mga offers niya nu’n, di ba? May pelikula, meron sa TV, nakakabigla ang nangyari sa kanya nu’n!

“Parang ang bilis-bilis, parang hindi man lang siya nahirapan, basta naka-penetrate na lang siya agad-agad. Biglang angat siya nu’n, pero in fairness, magaling naman kasi siyang umarte,” unang chika ng aming source.

Pinagkukuwentuhan siya nu’n ng kanyang mga katrabaho, bigla kasing lumayo sa kanila ang magaling na aktor, kaya pakiramdam ng mga ito ay nalasing agad siya sa tagumpay.

Balik-chika ng aming impormante, “Matindi kasi ang schedule niya nu’n, parang pati kasi ang pag-uwi niya, e, by appointment na rin dahil lagare ang mga trabaho niya nu’n.

“Natural, feeling ng mga dati niyang katrabaho, e, nagbago na siya, na nalunod na siya sa isang basong tubig, lalo na’t nag-break pa sila ng matagal na niyang girlfriend!

“Yumabang na raw ang male personality, tinalikuran na daw niya ang mga dati niyang kasamahan, ibang klase raw talaga kapag nagpepelikula at TV na ang artista,” kuwento uli ng aming source.

Pero mukhang namamahinga ngayon sa mga teleserye ang magaling na aktor, hindi siya kasali sa mga bagong programang binuksan ng network na pinagseserbisyuhan niya, nagtatanong ang mga dati niyang kahanay kung bakit?

Pagtatapos ng aming source, “Hindi naman natutuwa ang mga taong hindi na niya nakakasama ngayon, ayaw rin naman nilang bumagsak ang career nu’ng male personality, pero nagtataka sila kung bakit matumal ang trabaho para sa kanya ngayon?

“Totoo bang may becking may type sa kanya sa network na hindi niya pinagbigyan kaya biglang nawalan din siya ng mga trabaho?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ano nga kaya ang totoong dahilan kung bakit hindi na siya visible ngayon?” pinakahuling chika ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, sobrang igsi ng kanyang name, dalawang letra lang, para hindi n’yo pa mahulaan kung sino siya!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending