Danica inalala ang pagbubuntis sa bunsong anak: 'Hindi na ako nakakatulog, ang bigat-bigat, ang sakit-sakit sa balakang at sa tiyan' | Bandera

Danica inalala ang pagbubuntis sa bunsong anak: ‘Hindi na ako nakakatulog, ang bigat-bigat, ang sakit-sakit sa balakang at sa tiyan’

Ervin Santiago - April 13, 2023 - 07:02 AM

Danica inalala ang pagbubuntis sa bunsong anak: 'Hindi na ako nakakatulog, ang bigat-bigat, ang sakit-sakit sa balakang at sa tiyan'

Marc Pingris, Danica Sotto at ang tatlo nilang anak

BINALIKAN ng dating aktres at TV host na si Danica Sotto ang naging experience niya habang isinisilang ang bunsong anak nila ng kanyang asawang si Marc Pingris.

Sa bagong vlog niya sa YouTube, naikuwento ni Danica kung paano niya inalagaan ang sarili bilang bahagi ng paghahanda sa kanyang panganganak.

Isinilang ng celebrity mom at content creator ang third baby nila ni Marc na si Baby Jean Luc noong January, 2023. Inamin ni Danica na medyo delikado ang kanyang ikatlong pagbubuntis at may risk na talaga dahil sa kanyang edad.

Sa kanyang vlog, naikumpara rin niya ang mga pagkakaiba nang manganak siya sa panganay nilang si Jean-Michele at sa second child na si Anielle Micaela.

“We are so happy that finally, after waiting for how many years and after nine months ito na. Kasama na namin siya.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Danica Sotto-Pingris (@danicaspingris)


“Ten years, tapos siyempre may nine months pa na paghahantay. Ang sarap nu’ng feeling nung pagpunta doon. Pero parang bago lahat uli, since ang tagal nung (agwat).

“Scheduled cesarean section na siya, kasi nga CS ako nu’ng first, because hindi ako nag-dilate,” simulang pagbabahagi ng hindi na aktibong aktres.

Pagpapatuloy pa ni Danica, “Tapos big baby din siya and then nag-break na ‘yung bag ko nu’n e.

Baka Bet Mo: Danica sa banyo ‘humihinga at nagdarasal’ kapag feeling niya ang daming pagsubok na dumarating

“Anyway, nu’ng second ko I tried for ay VBAC it’s a vaginal birth after a cesarean section. Unfortunately, a few weeks before I gave birth nagkaroon ako ng low-lying placenta. So, again I wasn’t allowed to have a normal delivery,” lahad pa ng panganay na anak ni Bossing Vic Sotto.

Pinayuhan daw talaga siya ng doktor na magpa-schedule na ng cesarean para makaiwas sa anumang peligro, “So itong third, siyempre hindi na, may doctor didn’t want to take the risk, my OB, Dr. Pascua. Kasi, parang kinunsider na ako na high-risk, because of my age.

“Talagang nag-ingat talaga ako meaning, I really ate healthy food, tapos inalagaan ko sarili ko. Nag-e-exercise ako, pero lumaki pa rin si baby. But anyway, 9.3 pounds! Biruin n’yo ‘yun!” chika pa ni Danica.

Sobrang nahirapan din daw siya habang ipinagdadalang-tao si Baby Jean, “Hindi na ako nakakatulog, dahil ang bigat-bigat. Ang hirap-hirap, ang sakit sa balakang, sa tiyan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“But, you know nu’ng nanganak ako, same ‘yung feeling. Naiiyak ako… hormones,” ang emosyonal pang pagbabahagi ng wifey ni Marc.

Dagdag pa niya, “Ang sarap nu’ng feeling na ‘yung parang, ‘Wow! Ang galing talaga ni God. Ito ‘yung miracle of life.’”

Kuwento pa ng celebrity mommy, ramdam na ramdam daw niya ang presence ni Lord habang nanganganak siya, “Thankfully sabi ko sa ‘yo (Marc) ‘di ba, I really felt God’s presence and grace all throughout nu’ng surgery na parang the doctors, the nurses, and everyone there, they really knew what to tell me para to keep me calm.

“And at the same time, wala naging aberya sa procedure. And I’m thankful, kasi may nangyayaring minsan ‘di ba, sa age ko na 40, parang ‘yung iba, oh sobrang dinudugo or may nagkakaroon ng kumplikasyon. So, I’m thankful na wala naman,” pahayag pa ni Danica Sotto.

Marc ibinandera ang muling pagbubuntis ni Danica: Happy Father’s Day to me…thank you Lord for another blessing!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Danica Sotto sa mga produkto ng broken family: Marriage lang nila ang nag-end pero ikaw hindi…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending