Madam Kilay proud na ibinandera ang panganganak: ‘Welcome to the world Baby Lakas!’ | Bandera

Madam Kilay proud na ibinandera ang panganganak: ‘Welcome to the world Baby Lakas!’

Pauline del Rosario |January 26,2023
facebook
share this

Madam Kilay proud na ibinandera ang panganganak: ‘Welcome to the world Baby Lakas!’

Pauline del Rosario - January 26, 2023 - 04:20 PM

Madam Kilay proud na ibinandera ang panganganak: ‘Welcome to the world Baby Lakas!’

PHOTO: Screengrab from Madam Kilay’s Facebook video

NANGANAK na ang Youtube vlogger na si Madam Kilay!

Ang masayang balita ay ibinandera mismo sa kanyang social media accounts.

Inanunsyo pa niya na ang pangalan ng first baby nila ng “afam” boyfriend na si Michael ay si Baby Lakas.

Sa isang Facebook post ay ibinandera ng vlogger ang ilang litrato ng bagong silang niyang anak na tila kalalabas lang sa kanyang sinapupunan.

Caption pa niya, “Ang tagal ka naming inintay Anak ko #Lakas (baby face emoji) finally (green heart emoji)”

Kasunod niyan ay nakapag-post kaagad ng raw video si Madam Kilay na ipinapakita ang mga pangyayari ng pale-labor hanggang sa panganganak.

Mapapanood din sa bandang huli ng video na bumuhos ang luha ni Michael nang makita ang kanyang anak.

Bumuhos naman ang mga pagbati para sa couple at mababasa sa mga komento na kahit sila raw ay naiyak sa kanilang napanood.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin mula sa comment section:

“I feel you Madam Kilay. While I’m watching I can’t stop crying while you’re delivering the baby, my experience before was the worst but I thank God His with me. Congratulations to both you guys!”

“Congratulations madam, you are so strong momma. Good job (clapping hands emoji)”

“Sana all my very supportive husband…and very excited one…nakaka-proud tingnan na my husband na ganyan.”

Noong Oktubre ng nakaraang taon nang ibinandera ni Madam Kilay ang gender reveal matapos magtungo sa isang clinic sa Florida sa Amerika para sa “4D ultrasound” ng kanilang baby.

Noong April 2022 naman nang ma-engage ang couple.

Related chika:

Madam Kilay inalok ni Darryl Yap na gumanap bilang Cory Aquino sa ‘Maid in Malacañang’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nanay na-shock sa ginawa ng anak sa mga alagang aso’t pusa: ‘Kilay is life, mommy!’

Darryl Yap bad trip sa staff ng airline company: Sa lakas ng bunganga n’yo magtsismisan, alam na namin mga pinagdaanan n’yo…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending