BINI bumuwelta sa isyung yumabang, feeling K-Pop at 'di maganda

BINI bumuwelta sa isyung yumabang na, feeling K-Pop at ‘di naman maganda

Ervin Santiago - February 02, 2025 - 12:36 PM

BINI bumuwelta sa isyung yumabang na, feeling K-Pop at 'di naman maganda

BINI

ISA-ISANG sinagot ng Nation’s Girl Group na BINI ang mga pangnenega sa kanila ng bashers lalo na yung mga nagsasabing hindi naman sila sisikat, hindi magaganda at “feeling K-Pop.”

In fairness, talagang pinaghirapan naman ng grupo ang tinatamasa nilang kasikatan ngayon at naniniwala kami na lahat ng miyembro NG BINI ay may kanya-kanyang ganda at personalidad.

Sa guesting ng Kapamilya girl group sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay hindi nila inurungan ang mga maiintrigang tanong, kabilang na nga ang patuloy na pamba-bash sa kanila sa social media.

“Sa mga nagsabi na hindi kami sisikat, thank you so much for inspiring us. Kasi sila talaga ‘yung nag-push sa amin. Sila ‘yung nag-inspire para mag-work harder kami,” ang pahayag ni BINI Stacey.

Baka Bet Mo: Kathryn nakipaglaplapan kay Alden na never ginawa kay Daniel

Dugtong pa ng dalaga, “At the end of the day, meron pa rin ‘yung affected kami pero hindi kami magpapatalo. Mga dummy account lang ‘yung mga ‘yan na nagtatago. So deadma.”

Sa mga nagsasabi naman na feeling K-Pop ang grupo, dumepensa si BINI Colet, “Siyempre po, nakaka-sad. Kasi meron naman po tayong sariling atin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Star Magic (@starmagicphils)


“But at the same time, parang hindi po siya masama. Kasi lahat naman po tayo, I’m sure, hindi lang po ang BINI, nai-influence sa K-pop, and naka-i-influence sa isa’t isa, ‘yung ibang grupo rin po. So, I mean, okay lang po siya,” chika pa ni Colet.

Si BINI Gwen naman ang sumagot sa mga haters na nagsasabing hindi naman daw sila magaling, “Sa mga nagsasabi po na hindi kami magaling, we respect your opinion, but if you can make constructive criticisms na lang po, rather than generic statements para mas matulungan po kami mag-improve. Mas okay po ‘yun.”

Tungkol naman sa chika na nagli-lip sync ang BINI sa kanilang mga concert, bwelta ni BINI Jhoanna, “Palagi po talagang may ganyang comments po. Kahit magkanda-piyok-piyok ka na, ‘Lip-sync pa rin!’

“Juice ko! Opo, pero, well, hindi naman po namin mapi-please lahat. And, kaming BINI, hindi naman po kami nag-training for two straight years para mag-lip-sync once na ma-debut kami,” pagtatanggol pa ni Jhoanna sa kanilang grupo.

Aniya pa, “Hindi kami nakakauwi po eh. Lahat ng sacrifices po ginawa namin. Siyempre, we always deliver live not just the performance, but also an experience.

“Kasi ginagastusan po kami ng ibang tao and ayaw naman namin po magbigay ng half-baked na performance po. So lahat po na nakikita niyo is pinaghirapan po namin ‘yan and live po lahat ng ‘yan,” ani Jhoanna.

Hindi rin pinalampas ni BINI Sheena ang pang-ookray ng netizena sa kanila lalo na yung nagkokomento na hindi raw sila magaganda.

“Well, beauty is subjective. And feeling namin, if we don’t fit into their standards, then it’s fine. Pero naman sa mga taong nagagandahan naman sa amin but still choose to bash us, then it’s also fine, you know?

“It’s not something na nakaka-affect sa amin. Kasi everyday we’re surrounded by people who always remind us that we are beautiful,” sabi ni Sheena.

Sinagot naman ni BINI Mikha ang chikang naglakihan na ang ulo nila at yumabang na dahil sa kanilang kasikatan.

“I’d like to say na, nako po, hindi po kami mayabang at all. And sa mga nagsasabing snob kami, hindi naman. Hindi lang namin mangitihan lahat. Hindi namin matingnan lahat sa mata or like, mag-hi sa lahat.

“And siyempre, if nasa labas kami under like, incognito mode, siyempre, we want to like, be private. Like, you know, siyempre, sometimes we won’t make like, show na, ah, it’s BINI Mikha na or like, ganu’n.

“Kasi, siyempre, baka it will cause a commotion pa in the mall or something like that,” paliwanag ni Mikha.

Sa huli, nagbigay naman ng saloobin si BINI Aiah tungkol sa mga supporters nila na nanghihimasok na sa kanilang privacy, “‘Yung fans po namin, Blooms po very respectful po naman.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang BINI ang nagpasikat ng mga hit tracks na “Pantropiko,” “Karera” at “Salamin, Salamin.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending