Marc Pingris nali-link kay Kim Rodriguez

Marc Pingris nali-link kay Kim Rodriguez, BFF ni Danica pumalag sa viral pics

Reggee Bonoan |March 28,2024
facebook
share this

Marc Pingris nali-link kay Kim Rodriguez, BFF ni Danica pumalag sa viral pics

Reggee Bonoan - March 28, 2024 - 08:39 AM

Marc Pingris nali-link kay Kim Rodriguez, BFF ni Danica pumalag sa viral pics

March Pingris, Kim Rodriguez

NAGKAROON nga ba ng “something” ang basketbolista at asawa ni Danica Sotto na si Marc Pingris at character actress na si Kim Rodriguez?

Isa kami sa nagtataka kung bakit biglang nagba-viral ang mga larawan nina Marc at Kim na nagpa-picture sila na nasa iisang lugar.

Ang duda tuloy ng netizens, magkasama ang dalawa sa Sydney, Australia.

Two days ago, ibinandera ni Kim sa Instagram account ang picture niya na ang background ay ang famous Opera House sa nasabing bansa.

Ang caption niya pa riyan, “Sydney’s dynamic duo: Opera House and Harbour Bridge making waves in the cityscape.”

Baka Bet Mo: Danica, Marc ibinandera ang sikreto sa 14 years na pagsasama bilang mag-asawa: Bawal magbanta…

Nataon din na may parehong post si Marc sa kanyang IG stories kung saan makikita ang same spot at ang nakalagay ay, “’Wag kang bibitaw sa buhay na ‘to!’

May nagtanggol kay Marc na bestfriend ni Danica na nagngangalang Pebbles Duque at sinabi nitong Pebrero pa nagpunta ang basketbolista sa Sydney, Australia.

Say ni Pebbles, “Re Marc Pingris, That photo was taken before pa Feb 16.  My bestfriend Danica was with him have a very beautiful family built by the foundation of God.

“Ako ang unang bumoto kay Marc.  Ako din ang sasapuk sa kanya. God bless sa inyo mga Marites.  Holy week na, dasal na lang po tayo para naman mabawasan ‘yung mga kasalanan natin.”

May ni-repost din si Pebbles sa bandang ibaba ng mensahe niya ang Facebook post ni Marc na kaparehong petsa Feb 16 at nagpapasalamat siya sa mga taga-Sydney.

“Salamat sa mga kabsat natin sa Sydney!”

Tsinek naming ang post ni Danica sa kanyang IG account at ang huling picture na kasama niya ang asawang si Marc at mga anak ay nitong March 5 lamang kung saan ay may ipinagdiriwang silang okasyon.

Ang caption ng wifey ni Marc, “March 3 means triple celebration. 17 years of marriage, Thia Marceline aka Mochi’s baptism and Ginger’s birthday. Thank You, Lord!”

Si Thia Marceline aka Mochi ay bunsong kapatid ni Danica sa amang si Vic Sotto sa asawang si Pauleen Luna, si Ginger ay ang fur baby ng pamilya Pingris at ang 17th year nilang kasal nu’ng Marso 3.

Samantalang si Marc ay may FB post na nilalaro niya ang bunsong anak nila ni Danica nitong March 10 at ang caption ay, “Happy Sunday mga kabsat! Kamusta kayo?”

Baka Bet Mo: Kim Rodriguez: Bakit nila ako sinisira wala naman akong kasalanan!?

Ang huling post pa ni Marc sa FB niya ay ang larawang kasama ang ina para ipagdiwang ang kaarawan nito nu’ng Marso 23.

Caption ni Marc, “Happy Birthday Mama! Love u!

Mababasa naman sa comment section ang pagbati ni Danica sa biyenan ng, “Happy Birthday Mamang! See you soon.”

Base sa mga details na nakita naming ay okay naman sina Marc at Danica at wala naman din kaming nabalitaang may ginawang hindi maganda ang basketbolista sa loob ng 17 years of marriage nila.

Pero napansin naman ng netizens sa mga larawan nina Marc at Kim sa Opera ay tila naka-couple shoes sila.

Say ng netizen, “ganda ng shoes nila.”

Sabi naman kaya magkasama ay dahil magkasama sila sa motor ride group.

Bukod ang Sydney pictures ay may lumutang ding larawan na magkahiwalay na nagpa-picture kina Marc at Kim ang mga sales staff ng kilalang French fries kiosk na iisa ang background din.

Anyway, habang sinusulat naming ang balitang ito ngayong ala-una ng madaling araw, March 28, ay nagpadala kami ng mensahe sa manager ni Kim Rodriguez na si Ogie Diaz tungkol sa pagkaka-link ng alaga niya kay Marc.

Pero hindi kami sinagot ni Ogie baka kasi tulog na siya at hindi pa nababasa ang aming mensahe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa panig nina Kim o ng manager niya at ng mag-asawang Marc at Danica.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending