Kim Rodriguez may nakaalitang kagawad dahil sa parking; napaiyak sa interview | Bandera

Kim Rodriguez may nakaalitang kagawad dahil sa parking; napaiyak sa interview

Ervin Santiago |June 07,2021
facebook
share this

Kim Rodriguez may nakaalitang kagawad dahil sa parking; napaiyak sa interview

Ervin Santiago - June 07, 2021 - 09:23 AM

EMOSYONAL ang Kapuso actress na si Kim Rodriguez habang inilalahad ang naganap na alitan sa pagitan nila ng kanyang kapitbahay nang dahil sa parking.

Nagkaroon kasi sila ng hindi pagkakaintindihan ng kagawad sa kanilang lugar sa Barangay Concepcion Dos sa Marikina nitong nagdaang Biyernes.

Simulang kuwento ng dalaga, “Nakaharang po ‘yong sasakyan ko ng isang dangkal po, nakausli lang po ‘yong pwetan ng sasakyan ko. 

“Tapos inalis ko naman po kasi alam ko po nakaharang. Nu’ng inalis ko po, nakapasok naman po siya tapos pagkaalis po niya pinark ko po ulit,” pahayag pa ni Kim sa panayam ng GMA.

Patuloy pa ng aktres, “Sabi po ni kagawad, ‘Alisin mo ‘yong sasakyan mo, alisin mo.’ Sabi ko, ‘Sir, kakapasok n’yo lang po kaya nakikiusap po ako baka puwedeng du’n muna ako mag-park kasi alam niya naman po na mahirap mag-parking sa lugar namin, lalo na sa street namin.”

Kasunod nito, napansin daw niya na may ilang lalaking nakasakay sa motor na parang umaaligid sa bahay nila, “Natatakot po ako dalawa lang kami du’n. Pagkaalis po ng pulis, nagpapalakpakan pa po sila. Tigilan ko na raw po ‘yong kadramahan ko, walang arti-artista.

“Doon po ako parang na-offend kasi bakit po kailangang idamay ‘yong trabaho ko?” ang umiiyak nang kuwento ng dalaga.

Katwiran pa ni Kim, “Simpleng parking lot lang ‘yan. Inalis ko naman ‘yong sasakyan ko, nakapasok naman kayo ng maayos. Bakit kailangang umabot sa barangay? Bakit kailangang may pulis pa?”

Samantala, mariin namang dinenay ng kagawad na si Ronald Ortiz na nagpatawag siya ng mga pulis para takutin si Kim.

“Tumawag ako ng tanod tapos sa wrecker 161 kaso hanggang 10 p.m. lang po ‘yong wrecker so na-monitor po kami ng pulis.

“Wala pong umaaligid. ‘Yun lang po siguro ‘yung mga supporter ko po, mga kasama ko po, hindi po ‘yon umaaligid talaga,” paliwanag pa niya.

Sa huli, nagkaayos din ang dalawang kampo at wala na ring planong magsampa ng reklamo ang aktres laban sa kagawad na humingi na rin ng pasensiya sa nangyari.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Wala po akong masabi kundi pasensya kasi alam ko po mali ako, nag-block ako ng driveway ninyo. Pero sana po hindi na maulit kahit hindi lang sa akin, kahit sa ibang tao,” pahayag ni Kim.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending