Danica, Marc ibinandera ang sikreto sa 14 years na pagsasama bilang mag-asawa: Bawal magbanta... | Bandera

Danica, Marc ibinandera ang sikreto sa 14 years na pagsasama bilang mag-asawa: Bawal magbanta…

Ervin Santiago |September 13,2021
facebook
share this

Danica, Marc ibinandera ang sikreto sa 14 years na pagsasama bilang mag-asawa: Bawal magbanta…

Ervin Santiago - September 13, 2021 - 09:17 AM

Marc Pingris at Danica Sotto

MAY usapan ang mag-asawang Danica Sotto at Marc Pingris na hindi nila pagbabantaan ng hiwalayan ang isa’t isa kapag nagkaroon sila ng issue o problema bilang mag-asawa.

Isa ito sa mga sikreto ng 14 taong pagsasama ng celebrity couple na napanatili ang kapribaduhan ng kanilang married life sa mahabang panahon.

“Sikreto namin kapag may problema, talagang pinag-uusapan namin. Hindi kami natutulog hangga’t hindi namin napag-uusapan kung ano ‘yung pinag-awayan namin. 

“Kahit ano ‘yan, kahit madaling araw pa, basta hindi kami matutulog,” pahayag ni Marc sa guesting nila sa “Mars Pa More” kamakailan.

Sabi pa ng dating PBA player, “Kailangan maayos kasi ‘yun yung promise namin noong kinasal, na dapat kung nag-away man tayo kailangan pag-usapan. Hindi natin palalagpasin ang isang araw.

“And of course pinagpe-pray namin kung ano ‘yung mga mistake namin, ‘yung mga pagkakamali namin,” dagdag pang pahayag ni Marc.

Sey naman ni Danica, “Naalala namin dati, bawal mag-threaten sa isa’t isa ng aalis. ‘Sige aalis ako, bahala ka.’ ‘Pag may gumawa noon, ang sama-sama mo na. ‘Hindi mo ba naalala na sinabi mo ‘yan?'” 

Si Marc daw lagi ang nagpapaalala sa kanilang sumpaan, “Kasi one time nagamit ko ‘yan. ‘Naku, magbabakasyon ako.’ Tapos si Marc, ‘Ay may nagbe-break ng (vow). Tapos ikaw ang magi-guilty.”

Natanong din ang mag-asawa kung  sino sa kanila ang palaging nagsisimula ng away, anila, depende raw ito sa sitwasyon.

Aminado si Danica na noong nagsisimula pa lamang ang relasyon nila ni Marc ay siya raw ang madalas nagsisimula ng kanilang away.

“Siguro noong mas bata pa kami. Ngayon kasi wala masyadong pinag-aawayan eh. Mga more of misunderstanding lang about time, certain things,” ani Danica.

Chika naman ni Marc, may sinusunod na mala-military training noon ang mga basketball player, “Kasi kami kapag sinabing 9 call time, dapat nandoon ka na ng mga 7. 

“E, eto (Danica) noong wala pa kaming baby, kapag nag-alarm talaga ako ng 5:30 at aalis ako ng 6. Pag paalis na ako, siya babangon palang so iiwanan ko siya,” aniya pa.

Kapag may nale-late daw kasi sa kanila sa practice ay kailangan magbayad ng P1,500, “’Yun yung mga away namin noon,” singit ni Danica.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Taong 2007 nang magpakasal sina Danica at Marc at biniyayaan nga sila ng dalawang anak — sina Anielle Micaela at Jean Michael.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending