Kris Aquino may secret admirer daw, sey ni Lolit: Baka ito na ang ibinigay sa kanya ng mga guardian angels | Bandera

Kris Aquino may secret admirer daw, sey ni Lolit: Baka ito na ang ibinigay sa kanya ng mga guardian angels

Therese Arceo |June 12,2022
facebook
share this

Kris Aquino may secret admirer daw, sey ni Lolit: Baka ito na ang ibinigay sa kanya ng mga guardian angels

Therese Arceo - June 12, 2022 - 04:32 PM

Kris Aquino may secret admirer daw, sey ni Lolit: Baka ito na ang ibinigay sa kanya ng mga guardian angels

MAY kumakalat raw na balita na mayroong isang eligible at financially stable guy na grabe ang pagka-crush kay Queen of Media na si Kris Aquino.

Base sa Instagram post ng kolumnista at talent manager na si Lolit Solis, matagal na raw na pangarap ng mystery guy na ito na mapalapit kay Tetay. Natupad naman daw ang dream ng lalaking ito nang i-introduce siya sa ina nina Kuya Josh at Bimb ng isa sa kanilang common friend.

“Kung tutoo ang balita, at wish namin tutoo sana, baka ito na ang hinihintay na perfect partner for Kris Aquino. Baka ito na ang binigay sa kanya ng mga guardian angels niya para makasama niya for life,” saad ni Manay Lolit.

Aniya, dumating raw sa tamang panahon ang secret admirer na ito kung kailan kailangan ni Tetay ng shoulder to cry on.

“Perfect timing. Sa edad ni Kris siguro naman hindi na siya magkakamali ngayon sa puso, at sa mga nasagap namin balita, talagang eligible good catch bachelor ang nasabing guy,” dagdag pa ni Manay Lolit.

Dahil dito ay marami tuloy ang mas na-curious kung sino nga ba ang tinutukoy na “secret admirer” ng Queen of All Media dahil base nga sa mga kumakalat ay hindi naman ito mukhang nais lang gamitin si Kris para sa kanyang personal gain.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Hirit pa ni Manay Lolit, “Hoping for the best, at wishing the most beautiful relationship this time for Kris. A happy future for Joshua and Bimby.”

Sa ngayon ay nasa Houston, Texas si Krissy at kasalukuyang nagpapagamot para sa kanyang rare disease na eosinophilic granulomatosis with polyangiitis (EGPA).

Sa kanyang huling Instagram post ay pansamantala siyang namaalam sa kanyang mga tagasubaybay dahil kakailanganin niya ng matagal na panahon sa pagpapagamot na maaaring tumagal rin ng ilang taon.

Ani Kris, “Time is now my enemy, naghahabol kami hoping na wala pang permanent damage to the blood vessels leading to my heart. For now and the next few years — sadly, it’s goodbye. Praying na kayanin ng katawan ko itong matinding pagsubok.”

Patuloy naman ang paglaban ni Kris sa kaba ng kanyang life-threatening disease dahil nais pa niyang mabuhay nang matagal para sa dalawang anak na sina Kuya Josh at Bimb.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Kim nakabili ng ‘secret hideout’ sa kaunting ipon: Dito ako nagmumuni-muni…parang bahay-bahayan

Janelle Tee inatake ng matinding hiya kay Joey Reyes: Intimidating, siyempre kasi baguhan lang akong artista

May bago na nga bang nagpapatibok ng puso ni Kiko Estrada?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending