Kim nakabili ng 'secret hideout' sa kaunting ipon: Dito ako nagmumuni-muni...parang bahay-bahayan Bandera

Kim nakabili ng ‘secret hideout’ sa kaunting ipon: Dito ako nagmumuni-muni…parang bahay-bahayan

Ervin Santiago |September 15,2021
share this

Kim nakabili ng ‘secret hideout’ sa kaunting ipon: Dito ako nagmumuni-muni…parang bahay-bahayan

Ervin Santiago September 15, 2021 - 10:25 AM

Kim Chiu

SA naitabi niyang kaunting ipon, nakabili ang Kapamilya actress at TV host na si Kim Chiu ng kanyang “secret hideout.”

Ang tinutukoy ng dalaga ay ang pag-aari niyang condominium unit kung saan siya nag-i-stay kapag gusto niya ng “me time” o mapag-isa para makapag-isip-isip.

Sa bago niyang vlog, inilibot ni Kim ang madlang pipol sa kanyang condo na ipina-renovate niya kamakailan dahil nga napapadalas na ang pagpunta niya rito.

“Sobrang liit lang ng lugar na ‘to kasi most of the time, ako lang talaga mag-isa dito. Dito ako nagmumuni-muni,” pahayag ng aktres.

“Now ko lang talaga ‘to pina-renovate nang hardcore kasi parang napapadalas ‘yung pagtambay ko dito. So gusto ko namang maganda, maayos, malinis,” dagdag pa niyang chika.

Kuwento ni Kim, noong 2015 pa niya nabili ang nasabing condo unit at siya raw mismo ang nag-aayos at naglilinis nito dahil nga mag-isa lamang siyang tumitira rito.

Ipinasilip ni Kim sa kanyang mga tagasuporta ang ilang bahagi ng condo tulad ng kitchen, living area, at bathroom. Meron din siyang sofa na pwedeng gawing kama kapag matutulog na siya.

Ayon kay Kim, naisip niyang bumili ng condo unit para sa kanyang sarili dahil, “Ngayong quarantine kasi parang pina-realize sa atin na maganda pala sa bahay. 

“Alis tayo nang alis, travel tayo nang travel, tira tayo nang tira ng ibang lugar, pero mas maganda palang mag-invest sa bagay na alam mong sa ‘yo,” paliwanag ng girlfriend ni Xian Lim.

“Parang nagbabahay-bahayan lang ako. Ako lang talaga mag-isa rito. Ako naglilinis. As an independent girl ako rito. 

“Wala si sissy Kam (kapatid niya), though sometimes nandito siya. Wala ‘yung mga angels ko, so ako lang talaga kapag gusto ko ng self-love,” lahad pa ng aktres.

Ayon pa sa “It’s Showtime” host, isang kaibigan din ang nag-advice sa kanya na mas magandang mag-invest sa mga property kesa sa mga sasakyan dahil mas tumataas ang value nito.

“Kasi ito nakuha ko lang ‘to dahil may konti akong natabing ipon, and then naisip ko kung saan ko ‘yun gagastusin.

“May nakapagsabi sa akin na best investment talaga ng money mo is really to buy a property. So kahit maliit lang siya, tutubo din naman ‘yun.

“Kaysa bumili ng mga car na magde-depreciate din ng konti, might as well buy something for yourself that one day you’ll be really proud of. Proud naman ako dito sa aking small space,” paliwanag pa ni Kim Chiu.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending