Totoo nga bang si Rochelle Pangilinan ang dahilan kung bakit nabuwag ang SexBomb Dancers? | Bandera

Totoo nga bang si Rochelle Pangilinan ang dahilan kung bakit nabuwag ang SexBomb Dancers?

Ervin Santiago |March 23,2023
facebook
share this

Totoo nga bang si Rochelle Pangilinan ang dahilan kung bakit nabuwag ang SexBomb Dancers?

Ervin Santiago - March 23, 2023 - 07:01 AM

Totoo nga bang si Rochelle Pangilinan ang dahilan kung bakit nabuwag ang SexBomb Dancers?

Rochelle Pangilinan

MARIING pinabulaanan ng Kapuso actress-dancer na si Rochelle Pangilinan ang tsismis na hindi naging maganda ang pagkalas niya noon sa SexBomd Girls.

May mga lumabas kasing chika noon na siya ang unang nagsolo kaya biglang nabuwag ang grupo noong kasagsagan ng kasikatan nila ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Siya ang sinisisi kaya raw nagkanya-kanya na ng landas ang mga miyembro ng SexBomb Dancers hanggang sa tuluyan nang mabuwag ang iconic all-female group sa entertainment industry.

Sa guesting ni Rochelle sa “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon, sumusumpa siya na naging maayos ang pag-alis niya sa grupo na unang sumikat sa longest-running noontime show sa bansa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan)


Ayon kay Rochelle fake news ang mga tsismis na magkakaaway na naghiwa-hiwalay ang mga miyembro ng dati nilang grupong SexBomb Dancers.

Taong 2007 nang magpaalam si Rochelle sa grupo pero pinauna raw muna niya ang ilan sa mga miyembro ng SexBomb bago siya tuluyang umalis para magsolo. Maayos din daw siyang nagpaalam sa dati nilang manager na si Joy Cancio.

Baka Bet Mo: Hugot ni Rochelle sa pagmo-motor ni Arthur: Hindi porke pinapayagan ay 100% na sinusuportahan kita…please mag-ingat ka

“Ang ginawa ko sa SexBomb noon, sabi ko, ‘O, mauna na kayo. Kung gusto niyo nang umalis, sige, mauna na kayo kasi gusto ko munang i-settle si Ate Joy, ‘wag muna siyang iwan.’

“So, ‘yung iba nagdya-Japan, rumaraket sa ganito. So after one year, doon na ako nagpaalam kay Ate Joy. Maayos ‘yung pagpapaalam ko sa kaniya.

“Sabi ko, ‘Ate Joy, tingin ko kailangan ko na ring makita ang labas ng SexBomb,’ kung anong mayroon sa labas, na darating ako sa show ‘yung wala akong kagrupo,” paliwanag ni Rochelle.

Inamin niyang nag-struggle rin siya noong magsimula siya sa kanyang solo career ngunit salamat daw sa Diyos dahil napagtagumpayan niya ang lahat ng pinagdaanan niyang pagsubok.

“Mahirap din siya sa start, sa simula, na ako lang, pero nakasanayan ko rin po siya,” pahayag ng aktres.

Sa ngayon, isa si Rochelle sa itinuturing na magagaling na aktres sa GMA matapos lumabas sa iba’t ibang teleserye at pelikula. Napapanood siya gabi-gabi sa GMA Telebabad series na “Mga Lihim ni Urduja.”

* * *

Puno ng good vibes at blessings ang morning ng mga Kapuso dahil sa “TiktoClock” kasama ang Tiktropa na sina Kuya Kim Atienza, Pokwang, Rabiya Mateo, Faith Da Silva, at Jason Gainza.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kuya Kim (@kuyakim_atienza)


Talaga namang kitang-kita ang masayang barkadahan ng hosts lalo na sa exciting games gaya ng “Puno ng Swerte” at “Sang Tanong, Sang Sabog.” Patok din sa mga manonood ang production numbers ng Tiktropa na swak sa iba’t ibang tema like women empowerment at summer special!

Pero bukod sa araw-araw na pagpapatawa ng Tiktropa, araw-araw rin silang namimigay ng papremyo sa studio audience at home viewers!

Nag-enjoy ka na, nanalo ka pa! Kaya naman tutok lang sa “TiktoClock,” Lunes hanggang Biyernes, 11:15 a.m. sa GMA 7.

Lalaking ‘wanted’ kay SexBomb Dancer Sunshine Garcia lumantad na: ‘Thank you sa mga nag-tag sa akin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

First impression ni Rochelle kay Arthur: Babaero at gimikero, pero…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending