Sexbomb dancers binastos, nilait-lait ng Road Manager | Bandera

Sexbomb dancers binastos, nilait-lait ng Road Manager

Jobert Sucaldito - May 18, 2015 - 02:00 AM

sexbomb dancers

IYAK daw nang iyak daw si Louise ng Sexbomb Dancers nu’ng Friday nang gabi sa isang event nila sa Bulacan. Naimbitahan sila sa pamamagitan ng mabait na sing-along master na si Chubbylita sa isang kapistahan doon and in fairness to them (Chubbylita, Beki Belo and Sexbomb), they arrived early for the event.

Kilala namin ang mga ito — sobrang professional at kailanman ay hindi naging pasaway kahit saang show. Ilang beses na naming nakatrabaho ang mga ito at never sumakit ang ulo namin sa kanila.

Kahit sa pag-intindi sa pagkain ay never kaming nagkaproblema sa mga batang ito, just treat them like human beings.
Ganito raw ang nangyari.

Merong isang tomboyita named Ambie na sabi’y road manager ng comic duo na sina MC and Lassy – ang palaging nagba-back-up sa shows ni Vice Ganda.

Habang nandoon daw sila sa bahay ng hermana mayor who happens to be Ambie’s friend, nagmaganda raw itong Ambie na ito at pataray na inutusan ang Sexbomb.

“Bakit hindi pa kayo pumunta sa stage?” hirit daw nu’ng Abie. Malumanay naman na sumagot ang grupo, hinihintay lang nila ang service na maghahatid sa kanila sa lugar – kasi nga medyo may kalayuan ang stage mula sa kanilang kinaroroonan.

Tsaka hindi naman tama na paglakarin sila in their sexy outfits, ‘no! Kailangan talaga silang sunduin ng service. “Maglakad na lang kayo!” ang pataray raw na sagot sa Sexbomb Dancers.

Napahiya ang Sexbomb sa sinabi nitong Ambie na ito na dinig na dinig ng mga tao. Nu’ng nasa bandang stage na sila at inaayos na ng grupo ang kanilang gamit, inutusan na naman sila ng malditang babaeng ito at nag-dialogue ng, “Umakyat na kayo sa stage at mag-show na kayo!”

Sumagot ang isang Sexbomb member ng “Sandali lang po, inaayos lang ang material namin.” “Kaya wala kayong mga booking eh!” talak daw ulit nitong Ambie.

Wait lang, Ambie. Just who do you think you are para sabihan ang mga bata ng ganyan? Napakabastos mo naman! Bakit ano bang ipinagmamalaki mo? Ang Sexbomb ay matagal nang sikat – and in fairness sa kanila, left and right ang bookings nila.

Wala kang karapatang tarayan sila dahil wala kang pangalan. Kailanman ay wala kang lisensiya para bastusin sila.
“Kahit ako nga ‘Nay ay napahiya rin eh,” ang sabi sa amin ng napakabait na si Beki Belo.

“Habang nasa stage kami ni Chubbylita as hosts, habang sumasayaw ang Sexbomb ay nagtawag kami ng boys na makakasama nila sa stage. Kasama kasi sa act nila iyon and obviously ay nag-i-enjoy ang mga tao.

“Akalain mong dinuro-duro ako at huwag daw akong magtawag ng lalaki para umakyat sa stage. In the first place, hindi naman siya ang nag-invite sa amin.

At hindi namin siya kakilala talaga – ang alam namin ay road manager lang siya nina MC and Lassy. Kaya napahiya talaga ako sa ginawa niya.

“Parang bumaba ang momentum namin as performers sa stage. Grabe kung manghiya siya ng performers. Mabuti na lang at tinalakan din siya ni Chubbylita.

Ayon, nanahimik sa isang ulok,” ani Beki Belo na buwisit na buwisit din sa Ambie na ito. “Habang nagpi-perform ang Sexbomb, gusto niyang putulin ang act ng grupo kasi isasalang daw muna niya si Jake Vargas dahil meron pa raw maagang taping.

Ibalik na lang daw ulit ang Sexbomb after Jake. Pero hindi naman puwede iyon, di ba?” sabi ng isa pang nakausap namin.
Sino ba ang babaeng ito’t masyadong mapapel? Huwag nga niyang bastusin ang mga kaibigan naming artists at kahit babae siya papatulan ko talaga siya.

Ang ipinagmamalaki niya ay taga-Sagip Kapamilya raw siya ng ABS-CBN. Hoy, hindi ganyan ang itinuturo sa atin sa ABS-CBN kung totoong taga-ABS ka. Kailanman ay hindi tayo tinuruang maging bastos sa kapwa.

At wala kang ni isang katiting na karapatang saktan ang damdamin ng kahit sino – much more ang mga artists na ito na di-hamak na mas may narating na kaysa sa iyo.

Kayo nga – MC and Lassy, pagsabihan ninyo ang road manager niyong bastos. Baka kinukunsinti niyo rin kasi.”Nu’ng mag-show nga kami sa Australia noon, may kasama ang Ambie na iyan na artists.

Taga-Star Magic yata siya before. Isinusumpa siya ng mga Pinoy na nandoon sa show namin dahil kung harangin niya nang pabara-bara ang mga gustong magpakuha ng pictures sa mga artists ay ganoon na lang.

“Alam niyo po, minsan po ay hindi naman talaga kasalanan ng artists ang di pagpayag na magpa-picture sa mga fans nila dahil ang tunay na may kagagawan nito ay mismong mga road managers nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Puwede namang sabihin nang maayos pero bastos ang approach nila,” anang isang artist na nagsumbong din sa amin.
Marami ka na palang ginawang nega sa linya ng trabaho mo, kaya dapat sa iyo ay magpahinga na.

Huwag ka nang magtrabaho sa showbiz at hindi ang katulad mo ang kailangan namin sa mundong ito. These artists deserve a public apology you, Ambie. Mag-sorry ka sa mga taong sinaktan mo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending