Viral na ‘to: Video ng anak ni Rochelle Pangilinan nakakuha na ng 10M views

By Ervin Santiago June 12,2019
share this

Viral na ‘to: Video ng anak ni Rochelle Pangilinan nakakuha na ng 10M views

By Ervin Santiago June 12,2019
share this

UMABOT na sa mahigit 10 million views ang viral video ng anak ni Kapuso actress-dancer Rochelle Pangilinan.

Ito ‘yung video kung saan kinakantahan ng dating leader ng Sexbomb Girls ang kanyang daughter na si Shiloh Jayne ng “Can’t Take My Eyes Off You.”

Una niya itong ipinost sa kanyang Facebook account na may caption na, “Singer kami hindi dancer! (face with tears of joy) pagpasensyahan na ang lyrics!”

Cute na cute kasi ang sanggol habang nakikinig at tumatawa sa kanta ng kanyang mommy na nagpasabog naman ng good vibes at positivity sa social media.

Ilang sandali lang matapos niya itong i-share sa kanyang friends and followers, sunud-sunod na ang comments at pag-like sa video hanggang sa umabot na ito sa milyun-milyong views.

Muli itong ipinost ni Rochelle sa Instagram at nagpasalamat sa lahat ng nanood at nag-like, “Wow!!!! Thank you for the 10M views!!!! and 1M likes!!! Nakakahappy!! Thank you so much! Nakakatuwa na nahawa kyo sa aming munting kasiyahan!”

Samantala, nag-viral din ang isa pang Instagram video ni Shiloh kung saan mapapanood ang pagbubutas sa tenga ng bagets.

Caption ni Rochelle, “Yung… naiyak din ako (three crying emojis),” na may hashtag pang “#that’s part of growing up.”

Hindi lang ang mga fans ni Rochelle at ng asawa niyang si Arthur Solinap ang nag-comment sa video kundi pati na rin ang mga kaibigan nilang celebrities.

Komento ni Manilyn Reynes, “Ang hirap.”

Comment ni John Arcilla, “Wawa naman, bebi.”

Sey naman ni Carla Abellana wrote, “Wawa.”

Ibinahagi naman ni Jolina Magdangal ang naging experience niya noong butasan ang tenga ng kanyang pangalawang anak na si Baby Vika, “Hindi sinabi ng pedia mo na habang binubutasan pwede sya mag dede sayo para di masyado umiyak? Ganun si Vika.”

Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 311k views ang nasabing video.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending