Ivana alagang-alaga ni Coco sa bakbakan scenes: 'Kapag may mali ako at hindi ko nagagawa nang tama, sasabihan niya agad sa akin' | Bandera

Ivana alagang-alaga ni Coco sa bakbakan scenes: ‘Kapag may mali ako at hindi ko nagagawa nang tama, sasabihan niya agad sa akin’

Ervin Santiago |November 13,2023
facebook
share this

Ivana alagang-alaga ni Coco sa bakbakan scenes: ‘Kapag may mali ako at hindi ko nagagawa nang tama, sasabihan niya agad sa akin’

Ervin Santiago - November 13, 2023 - 07:34 AM

Ivana alagang-alaga ni Coco sa bakbakan scenes: 'Kapag may mali ako at hindi ko nagagawa nang tama, sasabihan niya agad sa akin'

Ivana Malawi at Coco Martin

IPINASILIP nina Coco Martin at Ivana Alawi kung ano pa ang maaaksyong bakbakan ang dapat abangan ng madlang pipol sa “FPJ’s Batang Quiapo”.

Ito’y matapos maglabas ang ABS-CBN ng isang special trailer ng serye na nakakuha ng isang milyong views sa loob lamang ng 24 oras.

Nangibabaw din ang “FPJ’s Batang Quiapo” sa katapat nitong programa sa national TV ratings para sa primetime TV na may 24.4% noong Lunes (Nobyembre 6), sakop ang urban at rural homes, ayon sa datos ng Kantar Media.

Nagbigay naman ng “sneak peek” si Coco sa set ng “Batang Quiapo” para ipakita kung paano niya kinunan ang mga maaaksyong eksenang ipinakita sa nasabing trailer.

Makikitang mabusisi niyang ginagabayan ang kanyang mga co-star at ang mga stunt at camera director, at ipinakita rin kung paano niya inaalalayan si Ivana sa kanilang matinding fight scenes.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)


“Hinahanap na ng katawan namin ‘yung big scenes. Feeling ko kapag normal lang ‘yung eksena, parang naliliitan ako masyado.

Baka Bet Mo: Sharon-Alden, DongYan, Beauty-Derek, Cristine-Matteo bakbakan sa 2023 MMFF

“Nasanay na kami sa maraming tao, maraming crowd, sa magulong environment. Gusto namin ipakita ‘yung totoo,” kuwento ni Coco tungkol sa kanyang pagkasabik sa paggawa ng malalaking eksena tampok ang bigating mga karakter sa serye sa isang panayam sa kanya ng “TV Patrol.”

Ibinahagi rin ni Ivana kung gaano siya nagpapasalamat sa lahat ng itinuturo ni Coco sa kanya lalo na’t ito ang unang sabak niya sa isang action series.

“Kapag may mali ako, kunwari hindi ko siya nagagawa nang tama, sasabihan ako agad ni Coco,” sabi pa niya.

Dapat abangan ng mga manonood ang umaatikabong ratratan sa “quantum event” sa mga susunod na episode ng “FPJ’s Batang Quiapo” kung saan magku-krus na ang landas ng lahat ng mga karakter.

Kabilang dito ang pasabog na engkwentro nina Ramon at Rigor (Christopher de Leon at John Estrada), pati nina Tanggol, Chief Espinas (Coco at Jaclyn Jose), at Rigor, ang makapigil-hiningang police chase nina Tanggol at Bubbles (Ivana), at ang emosyonal na paghaharap nina Tindeng at Mokang (Charo Santos at Lovi Poe).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi, 8 p.m. sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending