Vice: Masamang tao ka ba kung gusto mo nang makipaghiwalay?

Tanong ni Vice, masamang tao ka ba kung gusto mo nang makipaghiwalay?

Ervin Santiago - June 07, 2024 - 12:15 AM

Tanong ni Vice, masamang tao ka ba kung gusto mo nang makipaghiwalay?

Ion Perez at Vice Ganda

RELATE much sina Vice Ganda at Ogie Alcasid sa naging isyu sa paghihiwalay ng dating magdyowa na sumalang sa “EXpecially For You” segment ng “It’s Showtime”.

Agree sina Vice at Ogie na isa talaga sa mga challenge sa magkarelasyon ay ang kawalan ng panahon sa isa’t isa na kadalasang nagiging dahilan ng breakup.

Kuwento ng ex-couple na sina Iking at Ruffa s! “EXpecially For You”, totoong dumating sa kanilang pagsasama na nawalan sila ng oras sa isa’t isa hanggang sa unti-unti nang nawala ang nararamdaman nilang pagmamahal.

Baka Bet Mo: Kim pak na pak ang hugutan ng feelings: Sorry, may mahal na akong iba!

Pahayag ni Vice, “Alam mo iyang trabaho talaga at kawalan ng oras na magkasama, lagi iyang hamon sa relasyon, e.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Kaya maganda rin ‘yung ganyan na bago pa nagpapakasal, nadidiskubre na ‘yung ganiyan na hindi pala uubra sa akin na hindi kami magkasama, hindi pala uubra sa akin ‘yung ganung ugali na ‘yung ganung set-up, ‘yung ganung trial,” paliwanag pa ni Vice.

Pagsang-ayon naman ni Ogie, “Kahit na magkasama kayo sa iisang bubong.”

“Iyon ay puwedeng makapagpatatag o makasira sa relasyon ninyo e, ‘yung kawalan ng pagsasama palagi,” ang sey pa ni Vice Ganda.

Ayon naman kina Ruffa at Iking, hinarap naman nila ang kanilang mga naging problema, kabilang na ang kawalan ng oras para sa kanilang relasyo .

“Napalayo po kami sa isa’t isa,” sabi ni Ruffa.

Sey naman sa kanya ni Vice, “You woke up one day, hindi na malalim, hindi na ganun kasarap.”

“Opo, parang nawala na lang po ‘yung pagmamahal ko sa kaniya,” ayon naman kay Iking.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pero sabi ni Ruffa, kinontra niya ang naging desisyon ni Iking na tapusin na ang kanilang relasyon at inilaban pa rin daw niya ang kanyang pagmamahal.

“Hindi po ako pumayag na makipag-break sa kanya, e. Nakikipag-break po siya noon nu’ng wala na po siyang feelings, pero hindi po ako pumayag,” sey ni Ruffa.

Humirit uli si Vice ng, “Ang tanong ko, kung nawalan ka ng pagmamahal sa partner mo at gusto mong makipaghiwalay at sinabi mo sa kaniya, sinabi mong maghiwalay na kayo, does it make you a bad person?

“Masamang tao ka ba kung nawalan ka ng pagmamahal at masamang tao ka ba kung sinabi mo ‘yung totoo na gusto mo ng maghiwalay?” tanong ni Vice.

Sagot ng mga nasa studio audience, “Hindi naman po.”

“Siguro depende rin po sa ka-partner ganu’n, depende sa nararamdaman, depende sa ka-partner mo. Depende kasi kusang mararamdaman mo ‘yun kung wala na, e.

“Kapag hindi mo na mahal ‘yung tao, even though pilitin mo, wala na. So kahit mabuti kang tao, tapos ganun ang mangayayari, ang gusto mo maghiwalay na lang kayo, kaysa magkasakitan kayo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Parang sa teaching, honesty is the best policy. So maging honest ka lang ganun na lang,” ang katwiran ng mga nasa studio.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending