Kim pak na pak ang hugutan: Sorry, may mahal na akong iba!

Kim pak na pak ang hugutan ng feelings: Sorry, may mahal na akong iba!

Ervin Santiago - May 20, 2024 - 01:00 AM

Kim pak na pak ang hugutan ng feelings: Sorry, may mahal na akong iba!

Xian Lim at Kim Chiu

BENTANG-BENTA sa madlang pipol ang “banatan” ng hugot ng mga host ng “It’s Showtime” sa May 18 episode ng “EXpecially For You” segment.

Pak na pak ang naging dialogue ng TV host-actress na si Kim Chiu nang mapag-usapan ng tropa ang tungkol sa mga ex-dyowa.

Ang naging guest sa naturang episode ng “EXpecially For You” ay ang 19-year-old na anak ni Arnee Hidalgo na si Sam Shoaf.

Certified “NGSB” o No Girlfriend Since Birth si Sam kaya naman sinamahan siya ng kanyang uncle na si Jeffrey Hidalgo sa paghahanap ng makaka-date.

Baka Bet Mo: Chito, Kaye nagpa-good vibes sa socmed: Pwede sila sa EXpecially For You

Sa mga hindi pa masyadong pamilyar kay Sam, una siyang nakilala bilang contestant sa first season ng “The Voice Kids Philippines” na napabilang sa team ni Sarah Geronimo. Ang nanalo rito ay si Lyca Gairanod.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Napanood din siya bilang isa sa mga celebrity contestant sa kids’ version ng “Your Face Sounds Familiar” ng ABS-CBN.

Ang isa sa mga ibinatong question ni  Sam sa mga searchees ng naturang dating game ay, “Ano ang sasabihin mo kung biglang sabihin ng karelasyon mo na, ‘Sorry, may mahal na akong iba.’”

Bigla namang nagsalita si Vice at itinanong din ito sa kanyang mga co-host. Sinagot naman siya ng mga ito, kabilang na ang kanyang asawang si Ion Perez.

Ngunit ang talagang ikinaloka ng madlang pipol ay ang sagot ni Kim nang  tanungin na siya ni Vice Ganda.

Hirit ni Vice kay Kim, “It’s about time na you say that line.”

Baka Bet Mo: Payo ni Kim sa mga magdyowa: Yung physical touch may assurance siya!

Game na game at punumpuno naman ng energy na sinagot ni Kim ang tanong, “Sorry, may mahal na akong iba!” Na sinundan pa ng malakas na tawa.

Super laugh naman si Vice sa pasabog na sagot ni Kim sabay sabing, “Celebratory! Ang taray!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Grabe naman!” ang nagulat na sey ni Vhong Navarro.

Sundot pang tanong ni Vice kay Kim, “Bakit celebratory?”

Sagot ng aktres at dating girlfriend ni Xian Lim, “Kasi, pare-parehas na (ang naging sagot ng mga kasamahan nila sa Showtime). Para ibang level.”

Dagdag pa ng dalaga, “Lahat malungkot, e. Puwede mo namang sabihin nang masaya.”

Sey naman ni Vhong, “Kulang na lang sabihin mo sa dulo, nye-nye-nye-nye-nye!”

Humirit uli si Vice na tumuro pa sa screen na parang may pinatatamaan, “Sorry, meron na akong iba! Nauna ka lang, akala mo, ha?”

Sa sobrang tuwa ni Kim ay naitulak pa niya si Vice. Bigla namang nagtatakbo ang TV host-actress na kunwari’y lalabas na ng studio, pero bumalik din naman siya agad.

Hirit pa ni Vice Ganda, “Nag-text kay Kim yung ex niya. ‘Kumusta ka na, masaya ka na ba?’ Sagot niya, ‘To follow.'” Na sinundan uli ng malakas na tawanan sa studio.

Samantala, ipinost naman ni Kim sa kanyang Facebook page ang video clip ng nangyaring “hugutan” sa “EXpecially For You” segment.

Nakasulat dito ang caption na, “Ang benta talagaaaaa! Hahahahahaha.”

Kahit walang binanggit na pangalan sina Vice at Kim sa kanilang kulitan ay very obvious naman na ang tinutukoy nila ay ang dating dyowa ng aktres na si Xian Lim.

Last December 22, 2023 nang hayagang inamin ng dating magdyowa ang kanilang breakup makalipas ang 12 years nilang relasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nito lamang May 2, ay lantaran na ring inamin ni Xian na magdyowa na sila ng film producer na si Iris Lee. Si Kim naman ay nali-link ngayon sa kanyang leading man na si Paulo Avelino.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending