Chito, Kaye nagpa-good vibes: Pwede sila sa EXpecially For You

Chito, Kaye nagpa-good vibes sa socmed: Pwede sila sa EXpecially For You

Ervin Santiago |February 20,2024
facebook
share this

Chito, Kaye nagpa-good vibes sa socmed: Pwede sila sa EXpecially For You

Ervin Santiago - February 20, 2024 - 03:57 PM

Chito, Kaye nagpa-good vibes sa socmed: Pwede sila sa EXpecially For You

Chito Miranda at Kaye Abad

NAGPASABOG ng good vibes ang nakakaaliw na hirit ng Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda sa kanyang ex-girlfriend na si Kaye Abad.

Pak na pak ang pang-aasar ng singer-songwriter sa kanyang comment sa isang Instagram photo ni Kaye na kuha sa isang restaurant sa Cebu City.

Makikita sa litrato ang aktres suot ang  kanyang bare-shoulder white jumpsuit OOTD with matching bob haircut na bumagay sa hugis ng kanyang face.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kaye Abad-Castillo (@kaye_abad)


Nakaupo si Kaye sa isang golden chair na tumerno naman sa hawak niyang gold clutch at gold sandals. In fairness, fresh na fresh pa rin ang aura ng aktres.

Baka Bet Mo: Kaye umaming nagkagusto noon kay Paolo; gustung-gusto nang bumalik sa showbiz, pero…

Maraming pumuri sa batang itsura ni Kaye, isa na nga rito ang dati niyang BF na si Chito. Hirit ng OPM icon, “Ganda!! Tsaka grabe sosyal ng sala nyooo!” Na sinundan pa ng shocked emoji.

Aliw na aliw naman ang mga IG followers ni Kaye sa banat ni Chito at halos lahat ay nagsabing natutuwa sila dahil kahit naghiwalay bilang magdyowa ay napanatili pa rin nila ang kanilang friendship.

Isang netizen din ang nag-suggest na pwedeng-pwede silang sumalang sa sikat na segment ng “It’s Showtime” na “Expecially For You” kung saan pinaghaharap ang mga ex-couple para balikan ang kanilang nakaraan at ungkatin kung bakit nauwi sila sa hiwalayan.

“Yng sofa din kgad napansin ko eh.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)


“Pwd to silang dalawa sa Expecially for u ng @itsshowtimena ah d pala kc pareho na happily married. Ang cute lng na ganyan sila ka light as mag ex.”

Baka Bet Mo: Kaye Abad nagluluksa sa pagpanaw ng lola: ‘Sobrang sakit…ang dami kong mami-miss sa ‘yo’

“Nakakatuwa kayo ang ex lovers na naging magkaibigan at parehong may happy family.”

“Fave q family nyu both..ganda ng takbo ng family life nyu pareho at pareho din boys mga anak nyu.”

“Wag ganyan sir chito, kinikilig ang mga batang 90s.”

More than seven years ding naging magdyowa sina Kaye at Chito at nag-break noong 2009 pero nanatili pa rin silang magkaibigan after maghiwalay.

Sa isang interview, inilarawan ni Chito ang breakup nila ni Kaye, “It wasn’t dramatic-teleserye breakup, it was very uneventful.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In fairness, happy na pareho sa kani-kanilang family life ang dating partners. Maligaya si Chito sa piling ng asawang si Neri Miranda with their three kids habang si Kaye naman ay kasal na kay Paul Jake Castillo at biniyayaan ng dalawang anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending