Kaye umaming nagkagusto noon kay Paolo; gustung-gusto nang bumalik sa showbiz, pero... Bandera

Kaye umaming nagkagusto noon kay Paolo; gustung-gusto nang bumalik sa showbiz, pero…

Ervin Santiago |April 26,2021
share this

Kaye umaming nagkagusto noon kay Paolo; gustung-gusto nang bumalik sa showbiz, pero…

Ervin Santiago | April 26,2021 - 09:20 AM

ALIW na aliw ang mga loyal fans nina Paolo Contis at Kaye Abad nang balikan nila ang ilang yugto ng kanilang kabataan.

Maraming rebelasyon ang dalawa nang mapag-usapan ang kanilang lovelife noon sa online talk show na “Just In.” Ilang sikreto pa nga ni Paolo ang nabunyag sa masaya nilang chikahan.

Diretsahang binanggit ni Kaye na nagkagusto siya noon kay Paolo pero ibang babae raw ang type nito,  “Ang gusto ko talaga ikaw. Si Carol (Banawa) ang gusto si Toffee (Kristopher Peralta). Kaso ang nagkataon, wala kaming magawa.

“Ang gusto ni Toffee ako, ang gusto mo si Carol. Sabi ko, ‘Nge! Ano ba yan?!” ang tawa nang tawang kuwento ng aktres nang balikan nila ang pinagsamahang teen drama series noon.

Patuloy na pag-amin ng aktres, “Kaibigan talaga kita noon tsaka type rin kita noon, pero ayaw sa akin ng nanay mo, ‘di ba? Ayaw sa akin ng nanay mo kasi mas matanda raw ako sa ‘yo.”

That time ay girlfriend na raw ni Paolo si Desiree del Valle, na may pagkaselosa raw noon. Naikuwento pa nga niya ang isang pagkakataon na hihingi sana siya ng pastillas kay Desiree, pero sabi nito na magpaalam daw muna kay Paolo.

“Kasi siyempre alam mo naman ang kabataan, may mga ganu’n kang… gustung-gusto mo, magseselos ka,” sey ni Paolo.

“Tsaka kapag ganu’ng edad tayo, selosa talaga yata tayo, eh. Ako rin selosa rin naman,” pagsang-ayon naman ni Kaye.

Samantala, miss na miss na raw ng aktres ang showbiz, pero feeling niya hindi pa ito ang tamang panahon para balikan ang pag-aartista.

“Gustung-gusto kong bumalik, pero ang hirap. I think buntis na ako no’n, I just found out that I was pregnant. And then nag-text ang handler ko may offer sila na soap opera. Maganda ang role, maganda lahat,” ani Kaye.

“Hindi puwede, buntis na ako. So priority ko talaga ngayon is family muna, na makabuo ng family.

“Kasi kung magtatrabaho ako ng full time, let’s say I would stay there mga three months the most, hindi naman ako mabubuntis sa Maynila na wala ang asawa ko,” paliwanag ni Kaye.

“Hindi talaga puwede. Sabi ko, sige, kung para sa akin talaga itong showbiz, makakapaghintay naman sila,” aniya pa.

Sa tanong ni Paolo kung papayagan niya ang mga anak na mag-showbiz din, ani Kaye, “Ngayon, ayoko. Kung gusto talaga nila ha. Hindi ko sila ipipilit na ‘Sige, sige.’ Kapag mga tipong 13, 14 na, kapag ganu’n na siguro.

“Dati kasi ayoko talaga dahil ‘yung oras ng trabaho. Pero ngayon nagbago naman na. So I guess kung gusto talaga niya, hindi ko siya pipigilan,” lahad pa ng aktres.

Expecting na si Kaye at ang asawang si Paul Jake Castillo sa pagdating ng kanilang second baby kaya magiging kuya na ang panganay nilang si Joaquin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending