Love scene at landian nina Elijah at Xyriel sa ‘Senior High’ pak na pak
NAG-VIRAL at naging top trending topic pa sa social media ang love scene nina Elijah Canlas at Xyriel Manabat sa isang episode ng iWantTFC series na “Senior High.”
Talaga namang pinag-usapan at ikinagulat ng mga manonood ang naturang eksena nina Elijah at Xyriel na gumaganap bilang sina Archie at Roxy.
Pak na pak sa mga viewers at netizens ang January 2 episode ng “Senior High” kung saan finally ay umamin na si Archie kay Roxy na gusto niya ito.
Nangyari ang naturang eksena matapos ipagtanggol ni Archie si Roxy sa lalaking nagtangkang magsamantala sa dalaga sa isang bar.
Baka Bet Mo: Carmina game na game sa landian, halikan scene nila ni Michael Agassi sa ‘Widow’s Web’; Direk Jerry may ibinuking
Kasunod nga nito ang hindi inaasahang love scene nina Xyriel at Elijah kaya naman kanya-kanyang reaksyon ang kanilang mga fans na halos lahat ay napanganga at shookt sa eksena.
View this post on Instagram
Pero bukod nga sa naturang love scene, hinangaan din ng viewers ang kanilang natural na natural na akting, lalo na ang pagbibitiw nila ng mga dialogue.
Trending sa X (dating Twitter) ang “ROXCHIE LANDIAN DAY”. Narito ang ilan sa mga comments ng mga nakapanood sa pasabog na intimate scene nina Xyriel at Elijah.
“Archie na siga sa lahat pero laging tiklop kay roxy soft for this scene huhu, kung ako yan di ka pa nagsosorry apology accepted na agad archie ROXCHIE LANDIAN DAY.”
Baka Bet Mo: Archie Alemania sa panggagaya kay Gab Valenciano: Ginawa ko yun bilang komedyante, hindi para mang-inis o mang-asar
“Grabe naman ang best actress at best actor ng kani-kanilang henerasyon. Xyriel and Elijah Mothering, Fathering and Mouth Watering sharoooot.”
View this post on Instagram
“Aside from xyriel and elijah’s chemistry, the reason why i find their pairing to work so well is the fact that they are great actors individually. both of them can deliver their scenes w/o having one carry the other,”
“We’re so used to getting little to no crumbs now they gave us a whole ass meal. lmao mas grabe pa to sa landian. masyado naman ata ginalingan ni archie??!! ROXCHIE LANDIAN DAY.”
“Sana bigyan sila ng big break ng abs!! nakakakilig silang dalawa sa SH!”
“Not only did they deliver their lines so smoothly but also their eyes were expressing built up emotions. As a viewer, makikita mo ‘yung sincerity but at the same time, caution ni archie. Then you have Roxie delivering these lines without breaking character.”
“Wala nga silang interaction pero grabe ang tension. I need more RoxChie storyline! Exciting lalo ang episode tuwing may moment sila.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.