Archie Alemania sa panggagaya kay Gab Valenciano: Ginawa ko yun bilang komedyante, hindi para mang-inis o mang-asar
NAGSALITA na ang Kapuso comedian na si Archie Alemania tungkol sa panggagaya niya sa pagsasayaw ni Gab Valenciano sa mga campaign rally ni Vice President Leni Robredo.
Nabigyan kasi ng malisya ang kanyang video na ipinost ng isang netizen sa social media kung saan mapapanood nga ang pagsampa niya sa isang campaign sortie ng UniTeam tandem nina Ferdinand “Bongbong” Marcos at Sara Duterte.
Dito nga niya ginaya ang pagsasayaw ni Gab na palagi nitong ginagawa kapag nangangampanya ang mga celebrity Kakampinks sa iba’t ibang panig ng bansa.
Hindi ito nagustuhan ng ilang supporters ni VP Leni kaya na-bash ang komedyante nang bonggang-bongga.
Nang mapanood naman ito ni Gab, ni-repost niya ito sa kanyang Twitter account at nilagyan ng caption na “Game over, Archie” kasunod ang finger heart emoji.
Last Friday, sa online presscon ng GMA 7 para sa 27th anniversary ng “Bubble Gang” kung saan isa si Archie sa mga masuwerteng na-retain sa pagbabagong-bihis ng show, natanong ang komedyante tungkol dito.
Paliwanag ni Archie rito, “Unang-una, wala naman kaming samaan ng loob, kahit dati pa magkaibigan naman kami nu’n.
“Nu’ng sinabi niya, pabiro lang siguro yun. Wala naman ako masamang tinapay kahit kanino man,” aniya pa.
View this post on Instagram
Sabi pa ng Kapuso actor, walang-wala sa isip niya ang pagtawanan o asarin si Gab nang gawin niya yun sa kampanya ng UniTeam.
“Kung ano man yung ginawa ko, bale sa akin, ginawa ko bilang komedyante lang naman, hindi para mang-inis o mang-asar.
“Ako ang gusto kong pagtawanan ng tao. Ayoko yung iba ang pagtawanan ng tao dahil sa akin.
“Ang gusto ko, ako yung pagtawanan ng tao sa ginawa ko. Hindi sa ginawa ko pagtawanan yung ibang tao. Yun lang sa akin,” katwiran pa ng “Bubble Gang” star.
Feeling din ni Archie, hindi raw ito big deal kay Gab at nanay nitong talent manager na si Angeli Pangilinan-Valenciano.
“Wala naman akong masamang tinapay kina Gab saka kina Tita Geli. I still consider Gab as my friend.
“Siguro, pahinga muna ngayong eleksyon, katatapos lang, e. Siguro, magku-cross naman kami ng path ni Gab siguro.
“Hindi pa naman kami nagti-text o nagtatawagan. Pero, we’re gonna cross paths, ang liit lang naman ng showbiz, e. Magkakausap at magkakausap kami. Makaklaro rin uyan. Wala iyan. Maliit na bagay,” depensa pa ni Archie.
Samantala, mapapanood na ang bagong “Bubble Gang” simula sa May 27 sa direksiyon ni Frasco Mortiz with Michael V pa rin as creative head.
Bukod kina Archie at Bitoy, mananatili pa ring ka-Bubble sina Paolo Contis, Sef Cadayona, Chariz Solomon, Valeen Montenegro, Analyn Baro, Faye Lorenzo at Kokoy de Santos.
Ang tatlo namang bagong katropa ay sina Tuesday Vargas, Dasuri Choi at Kim de Leon.
https://bandera.inquirer.net/294569/archie-ibinenta-ang-asawa-sa-live-selling-i-mine-nyo-na-napakamabunganga-nito
https://bandera.inquirer.net/296862/gab-valenciano-diagnosed-bilang-pre-diabetic-nais-maging-better-para-sa-sarili
https://bandera.inquirer.net/292921/gab-nagpasalamat-sa-lahat-ng-nagligtas-sa-kanyang-buhay-i-am-alive-because-of-you
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.