Zaijian-Miggy loveteam aprub sa LGBTQIA+

Zaijian-Miggy loveteam aprub sa LGBTQIA+, halikan sa Senior High nagpakilig

Ervin Santiago - January 03, 2024 - 08:11 AM

Zaijian-Miggy loveteam aprub sa LGBTQIA+, halikan sa Senior High nagpakilig

Zaijian Jaranilla at Miggy Jimenez

IN FAIRNESS, relate much ang ilang members ng LGBTQIA+ community sa nakakalokang role nina Zaijian Jaranilla at Miggy Jimenez sa hit Kapamilya series na “Senior High.”

Talagang usap-usapan ngayon ng mga televiewers at netizens ang tambalan nina Zaijian at Miggy sa naturang serye bilang sina Tim at Poch na mas kilala na ngayon as TimPoch.

Todo mga ang pasasalamat nina Zaijian  at Miggy sa napakainit na pagtanggap ng manonood sa kanilang tambalan sa  “Senior High” na pinagbibidahan ni Andrea Brillantes.

Inamin ng dalawang aktor na hindi nila inaasahan ang mga positibong komento ng madlang pipol para sa kanilang BL loveteam.

Mas umingay pa ang kanilang tandem sa programa nang mag-viral at maging isa sa top trending topic sa X (dating Twitter) ang kanilang kissing scene na talaga namang ikinakilig ng mga fans.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MJ (@miggyjimenez)


“Sobrang nakakataba ng puso dahil nagustuhan at minahal siya ng mga tao. Pag magkakaeksena kami, nagtatanungan kami kung hanggang saan lang ba pwede.

“Importante ‘yung communication namin dahil hindi basta-basta ‘yung scenes na ginagawa namin,” ang pahayag ni Zaijian sa isang interview noong “Forever Grateful: ABS-CBN Christmas Special 2023.”

Nagpasalamat din si Zaijian sa paggabay ng kanilang mga direktor sa serye at labis din siyang natutuwa kapag nakaka-relate ang viewers sa kanyang karakter na naguguluhan pa raw sa tunay nitong sekswalidad.

Ikinuwento naman ni Miggy na patuloy nilang pakikiligin ang mga manonood kasabay ng pagbabahagi ng mahahalagang aral.

“Sobrang overwhelming but at the same time ayokong ipasok sa head ko.

“Ayokong sirain ‘yung chemistry na meron kami. We didn’t even plan it at all kaya gusto ko siyang i-treasure. I have to be grateful,” pahayag ni Miggy.

Naging patok sa netizens ang nakakakilig na mga eksena nina Zaijian at Miggy kamakailan at patuloy nilang pinuri ang “Senior High” sa pagtatalakay ng importanteng mga isyu na ikinakaharap ng mga kabataan ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood ang “Senior High” gabi-gabi ng 9:30 sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending