Geraldine Roman nagbabala sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community: Umayos tayo!
HINDI nagustuhan ng 1st District of Bataan representative at advocate ng LGBTQIA+ community na si Geraldine Roman ang mga balita na kinasasangkutan ng mga miyembro ng komunidad kamakailan.
Sa isang Facebook post ay ibinahagi ng mambabatas ang kanyang pahayag hinggil sa controversial na isyu ni Awra Briguela sa isang bar sa Poblacion at ang “Ama Namin” drag performance ni Pura Luka Vega na agad nag-viral sa social media.
“For the information of everyone, hindi po maaring gamitin ang Sogie Equality Bill upang i-justify o pawalang-sala ang pilit na pagpapahubad ng ibang tao sa isang bar, ang violence, ang paglaban sa autoridad o ang isang walang-galang na drag performance na lumalapastangan sa mga bagay na sagrado,” panimula ni Roman.
Dagdag pa niya, “Sa katunayan walang probisyon sa panukalang batas na ito na magpapawalang bisa sa mga kasalukuyang batas ukol sa physical injuries, alarm and scandal, disobedience to authority, direct assault o ang Art. 133 ng Revised Penal Code on offending religious feelings.”
Pagdidiin ni Roman, ang SOGIE Equality Bill raw ay isang anti-discrimination bill na ang layunin ay maiwasan ang hindi pantay na pagtrato sa trabaho, learning institutions, at sa government services pati na rin sa public spaces at accomodations.”
Baka Bet Mo: ‘Ama Namin’ drag performance ni Pura Luka Vega umani ng batikos mula sa madlang pipol
“Paalala din po sa mga miyembro ng LGBT+ Community, always remember that each and everyone of us carries the rainbow flag so dapat let us always do good dahil kapag isang LGBT+ ang nagkamali sa lipunan buong komunidad ang hinuhusgahan.
“Let us not do our own community a disservice. Umayos tayo! We have everything to gain if we do good or even better,” pagpapaalala pa ni Roman.
Samantala, naglabas naman ng pahayag si Luka ukol sa kontrobersyal niyang drag performance.
Aniya, “I’d like to stress that my drag performance as Jesus was not meant to disrespect anyone. On the contrary, it is a drag art interpretation of worship. I was very intentional of using a specific song and the symbolism to relate the queer crowd with the intersection of queerness and religion.”
Related Chika:
Charo Santos, Geraldine Roman nagkasundo sa pagsusulong ng ‘equality’; kilalanin pa ang Immaculate Conception sa ‘Romantik’ vlog
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.