Charo Santos, Geraldine Roman nagkasundo sa pagsusulong ng 'equality'; kilalanin pa ang Immaculate Conception sa 'Romantik' vlog | Bandera

Charo Santos, Geraldine Roman nagkasundo sa pagsusulong ng ‘equality’; kilalanin pa ang Immaculate Conception sa ‘Romantik’ vlog

Ervin Santiago - December 13, 2022 - 07:22 AM

Charo Santos, Geraldine Roman nagkasundo sa pagsusulong ng 'equality'; kilalanin pa ang Immaculate Conception sa 'Romantik' vlog

Geraldine Roman at Charo Santos

ISANG biglaang pagkikita na nauwi sa pagsisimula ng magandang pagsasama at pagkakaibigan.

Nagkaroon ng pagkakataon si Rep. Geraldine Roman na makachikahan ang premyadong aktres na si Charo Santos matapos manalong best actress ang huli bilang best actress sa ikalimang edisyon ng The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) noong Nobyembre 27 na ginanap sa makasaysayang Metropolitan Theater sa Maynila.

Sa garden ng MET nabigyan ng chance na magkausap ang dalawa tungkol sa mga isinusulong nilang mga adbokasiya.

Ilan sa mga adhikain ni Rep. Roman ay tungkol sa pagkakapantay-pantay ng bawat Filipino, ang Oh My Gulay! Healthy Na, May Kita Pa Program, Ecotourism, Farm to Market Road Project at Basic Digital Literacy Training.

Ang isyu ng equality ay malapit din sa puso ni Charo na dating pangulo ng ABS-CBN.

Ang pagiging best actress sa 5th The EDDYS ay pangalawa na niyang award para sa pelikulang “Kun Maupay It Panahon”. Nanalo rin siya sa kaparehong kategorya sa FAMAS.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Geraldine B. Roman (@geraldinebroman)


Naging isang natatanging panauhin si Rep. Roman sa 5th The EDDYS, kung saan siya naging presenter sa segment kung saan binigyang parangal ang ilang icons ng industriya ng pelikulang Pilipino.

Nag-premiere naman noong  November 30, 7 p.m. ang unang edisyon ng kanyang YouTube vlog, ang “Geraldine Romantik.”

Isa itong pagkakataon upang makadaupang-palad niya ang kanyang constituents at iba pang manonood bilang Bataan District 1 Representative.

Ang unang edisyon ay nakatuon sa temang “Let’s get to know Geraldine Roman.” Kilala siya bilang unang transgender na nahalal sa Kongreso kung saan siya ngayon ang namumuno sa House Committee on Women and Gender Equality.

Samantala, ipinagdiwang ng mga Filipinong Katoliko ang Disyembre 8 bilang Pista ng Immaculate Conception.

Ito ay mahalagang araw para sa mga deboto ng Orani, Bataan at karatig bayan kung saan nagaganap ang mahabang prusisyon para sa Blessed Mother.

Isa ito sa mga espesyal na araw bago ang Araw ng Pasko at bilang pagtugon sa makulay na pagdiriwang sa saliw ng musika at pailaw, mapapanood ito sa pangatlong edisyon ng kanyang YouTube vlog na “Geraldine Romantik”, simula sa Miyerkules, Disyembre 14, 7 p.m..

Ang pamilya Roman ay nagmamay-ari ng mahahalagang koleksyon ng mga santo, kabilang ang isang 200-taon na imahe ng Immaculate Conception na may 12 bituin sa korona nito.

May personal na debosyon si Rep. Roman para sa Blessed Mother bilang pagsunod sa tradisyon ng kanilang pamilya.

Maipagmamalaki ng Bataan bilang tahanan ng Bataan Nuestra Senora del Rosario del Orani, na pinaniniwalaang 400 taong gulang na.

Kilala bilang mapaghimala (maraming pangyayari ng milagro ang sinasabing siya ang may kagagawan) ang Birhen ng ay nakaakit ng mga bisita mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Rica Peralejo muling nakunan sa ika-3 pagkakataon; 2 hiniling na ‘milagro’ kay Lord hindi natupad

Sarah Geronimo nag-sorry kina Mommy Divine at Daddy Delfin: Araw-araw ko po kayong nami-miss at naiisip

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Diego Loyzaga tuloy ang pagpapa-yummy: Salmon lang or chicken breast ang kinakain ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending