Carmina game na game sa landian, halikan scene nila ni Michael Agassi sa 'Widow's Web'; Direk Jerry may ibinuking Bandera

Carmina game na game sa landian, halikan scene nila ni Michael Agassi sa ‘Widow’s Web’; Direk Jerry may ibinuking

Ervin Santiago |April 11,2022
share this

Carmina game na game sa landian, halikan scene nila ni Michael Agassi sa ‘Widow’s Web’; Direk Jerry may ibinuking

Ervin Santiago - April 11, 2022 - 07:09 AM

Michael Agassi at Carmina Villarroel

PATOK na patok at bentang-benta sa mga manonood ang landian at halikan scene nina Carmina Villarroel at Michael Agassi sa Kapuso primetime drama na “Widow’s Web”.

Hindi lang ang pagiging kontrabida ni Carmina at ang mga nakakaloka at pasabog na confrontation scenes niya with her co-stars ang inaabangan ng viewers sa programa kundi pati na rin ang mga sexy scenes at mapanuksong eksena nila ni Michael.

In fairness, talagang pinag-usapan ng Kapuso viewers at ng mga netizens ang isang eksena nina Carmina as Barbara Sagrado at Michael bilang kanyang lover at coach ng gumaganap na anak niya sa kuwento na si Anjay Anson.

Ito yung eksena kung saan naka-briefs lang si Michael habang naka- leopard skin night gown naman si Carmina at naglalandian sa loob ng kwarto.

Hindi ba nag-alangan o nagdalawang-isip ang misis ni Zoren Legaspi na gawin ang mga nasabing eksena? “No, when I read the script, I know we will have such a scene at kailangan talaga siguro sa story so okay lang.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Widows’ Web (@widowswebgma)


Pambubuking naman ng direktor ng “Widow’s Web” na si Jerry Sineneng, si Michael pa nga raw ang hiyang-hiya kay Carmina habang kinukunan nila ang eksena.

“In fairness kay Carmina, siya pa ang kumausap kay Michael para maging comfortable ito sa kanya at magawa ang scene na hahalik-halikan siya nito sa leeg,” ani Direk Jerry.

Samantala, abot-langit naman ang pasasalamat ni Carmina sa lahat ng sumusubaybay sa “Widow’s Web” na hanggang ngayon ay waging-wagi pa rin sa ratings game, idagdag pa ang gabi-gabing pagiging trending topic ng serye sa social media.

“We’re all happy kasi malaki ang taas ng rating namin sa mga kasabay namin. It seems viewers are all eager to find out who the killer of my brother Ryan Eigenmann is.

“I’m one of the suspects at bentang-benta rin sa audience ang tarayan namin ng co-stars ko, lalo na yung sampalan scene namin ni Ashley Ortega,” kuwento ni Carmina.

Samantala, aminado naman si Mina na hindi niya talaga maiwasan ang maging emosyonal kapag kanya-kanya nang sabak ang kanyang pamilya sa lock-in taping o shooting.

“Kasi nagkakahiwa-hiwalay kami ng family ko kapag may lock in taping ang bawat isa sa amin.

“Si Mavy left us when he did ‘I Left My Heart in Sorsogon’ in Bicol’. Si Cassy naman had to go to La Union for the taping of ‘First Lady’.

“Pinakahuli ang daddy nila, si Zoren, who taped for his new show, ‘Apoy sa Langit’, with Maricel Laxa. One month din siyang nawala. So ngayon, hopefully, tuloy-tuloy nang mag-normalize ang situation at hindi na kami uli magkakalayo sa isa’t isa nang matagal.

“E ako, tuwing may malalayo sa amin, as a wife and mother, I always cry kasi I’m very family oriented and we’re all really very close,” pag-amin ng aktres at TV host.

Kamakailan naman, nabanggit din ni Carmina sa isang panayam na talagang may pagkakataon na nais na niyang mag-quit sa showbiz para mag-focus sa kanyang family.

“When I got pregnant, we went ni Zoren to the States at sabi ko, doon na lang kami.

“I was willing to do odd jobs in the States para lang magkaroon ako ng peace of mind as a private citizen. Parang bahala na kung ano magiging buhay namin sa America.

“Pero mukhang ayaw ni God na mag-retire ako at doon na lang kami, sabi niya, ‘Hindi, mag-aartista ka pa.’

“So eventually, umuwi kami rito at yun, pareho kaming sinuwerte ni Zoren at tuloy-tuloy pa rin ang dating ng acting projects sa amin hanggang ngayon. As of now, we can see na dito na talaga kami tatanda sa mundo ng pag-arte.

“This is really our world, and now, also our two kids who have started their own careers in acting,” pahayag pa ni Mina.

Bakit nag-‘yes’ agad si Carmina sa unang suspense-serye ng GMA 7 na ‘Widow’s Web’?

Carmina, Ashley patalbugan ng akting sa ‘Widow’s Web’; batuhan ng linya pak na pak sa manonood

EA na-challenge sa bagong role sa ‘Widow’s Web; kulitan nina Mikael at Megan sa ‘The Best Ka’ pak na pak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending