Kim sa mga magdyowa: Yung physical touch may assurance siya!

Payo ni Kim sa mga magdyowa: Yung physical touch may assurance siya!

Ervin Santiago |April 28,2024
facebook
share this

Payo ni Kim sa mga magdyowa: Yung physical touch may assurance siya!

Ervin Santiago - April 28, 2024 - 08:20 AM

Payo ni Kim sa mga magdyowa: Yung physical touch may assurance siya!

Kim Chiu

IN FAIRNESS, marami nang naiaambag na hugot at payo ang Kapamilya actress-TV host na si Kim Chiu sa “EXpecially For You” segment ng “It’s Showtime”.

Sa bawat episode ng naturang segment, ay may mga naibibigay na payo ang dalaga sa mga sumasaling contestants, lalo na sa mga isyu ng pakikipagrelasyon.

Tulad na lang ng naging advice ng ex-girlfriend ni Xian Lim sa mga searchees at searcher sa episode ng “EXpecially For You” nitong nagdaang Miyerkules, na talaga namang nagmarka sa mga manonood.

Baka Bet Mo: Barbie sa relasyon nila ni Jak: ‘Wala kaming pakialamanan sa trabaho…hindi ko kailangan ng boyfriend para magsabi kung ano’ng dapat kong gawin’

Ayon sa ex-couple na sina Daphnie at Morris, ang kawalan ng oras at ang long distance relationship (LDR) ang mga naging dahilan ng kanilang breakup.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Hindi ba ‘pag mahal mo ang isang tao, kapag gusto, maraming paraan, kapag ayaw mo maraming dahilan,” ang pahayag ni Kim.

Baka Bet Mo: Oliver basag daw kay Michelle: Thank you, next! Hindi dapat ako option!

Naniniwala kasi ang “Linlang” at “What’s Wrong With Secretary Kim” lead star na hindi sapat na rason ang LDR o ang layo sa isa’t isa ng isang magkarelasyon para tapusin ang kanilang pagsasama.

“Para saan ba ‘yung four hours kung gusto mong pahabain ang pagsasama niyo,” sey pa ni Kim.

“So ibig sabihin, nawalan ka na ng gana sa relasyon niyo,” ang tanong ng aktres at TV host sa ex-boyfriend ni Daphnie na si Morris.

Ang sagot naman ni Morris sa “It’s Showtime” host, bukod sa long distance relationship, isa pa sa challenge na  kinaharap na problema ng relasyon nila ni Daphnie ang kawalan ng assurance sa kanilang pagsasama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kasi kulang daw siya sa assurance kasi ‘yung physical touch may assurance siya,” ang sey pa ni Kim Chiu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending