Barbie sa relasyon nila ni Jak: ‘Wala kaming pakialamanan sa trabaho…hindi ko kailangan ng boyfriend para magsabi kung ano’ng dapat kong gawin’
HINDI na kailangan pang magbigay ng assurance si Barbie Forteza sa kanyang boyfriend na si Jak Roberto na walang mangyayaring “something” sa kanila ni David Licauco.
Ayon sa Kapuso Primetime Drama Princess, alam niyang trabaho lang ang ginagawa nila ni David kaya hindi niya kailangan pang ipamukha kay Jak ang kanyang loyalty bilang girlfriend.
“Siguro ‘yung assurance na tinatanong niya sa akin sa set is kung nakakakain ba ‘ko, kung ‘di ba ko natutuyuan ng pawis, ‘yung ganu’n, ‘yung may care.
View this post on Instagram
“‘Yung selos wala talaga so parehas kaming aktor, alam na namin ‘yan,” paglilinaw ni Barbie nang makapanayam ng ilang members ng showbiz press sa mediacon ng upcoming series nila ni David na “Maging Sino Ka Man” last Thursday, August 31.
Ipinagdiinan din ni Barbie na wala talaga silang pakialamanan ni Jak pagdating sa diskarte nila sa kani-kanilang showbiz career. Hiwalay daw ang personal nilang buhay sa trabaho.
“Naging magkarelasyon kami na parehas na kaming may pinapangalagaang image and reputation so naging malinaw sa amin pagdating sa karera, walang pakialamanan pagdating sa trabaho. Walang pakialamanan.
“And ako, I know what I want. Alam ko kung anong career path ang gusto ko so alam ko kung anong dapat kong gawin. Hindi ko kailangan ng boyfriend para magsabi sa akin kung anong dapat kong gawin,” paliwanag ng dalaga.
Samantala, sa classic movie na “Maging Sino Ka Man” na pinagbidahan nina Sharon Cuneta at Robin Padilla na ipinalabas noong dekada 90, talagang tumatak sa manonood ang dialogue ni Robin kay Mega na, “Mahal na nga kita, palagay ko, e…maging sino ka man.”
View this post on Instagram
Kaya naman natanong si David kung nag-iingat siya nang bonggang-bongga para hindi dumating ang araw na sabihin din niya kay Barbie ang nasabing linya sa tunay na buhay.
Sagot ng hunk actor, “We’re good friends and I have respect for Jak, and hindi ko naman siya iniisip.
“Well, of course, we have to understand na yun ang gusto nila (magkatuluyan sila ni Barbie). Kumbaga, yun yong nagpapasaya sa kanila. And siyempre, as an actor, kailangang maintindihan ko rin yon.
“But of course, you know that word is a such a powerful thing. So for them to say bad words not just towards me, not just towards Barbie or Jak but also to…parang meron silang, for example, yung may mga tinatawag silang pro-David, pro-Barbie, and all that.
“Honestly, they should stop that. Kasi you know, we all just kinda get by with life. Life is already hard. Bakit pa natin papahirapan ang sarili natin?” paliwanag ng aktor.
Anyway, mapapanood na ang “Maging Sino Ka Man” simula sa September 11, after “24 Oras” sa GMA Telebabad, mula sa direksyon ni Enzo Williams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.